DAHIL na-reach na ne'to ang 1k, here's the update! :) Thankyoou so much guys. Laveyouuuall :*
__
Nathan's POV:
"...tapos na daddy?"
Hinalikan ko lang siya sa noo. "Oo baby."
"Ano na nangyari kay Carla?"
Ngumiti lang ako at ginulo yung buhok niya.
"Daddy naman e, answer me!" nagpout siya.
"Matulog ka na. Late na oh? Mapapagalitan ka pa ng mommy mo."
"Eeee wala naman si Mommy dito e."
"Nandito lang ang mommy mo. Binabantayan ka niya.."
"I know daddy, alam mo daddy minsan nakikita ko siya sa dream ko kaso yung mukha niya nalilimutan ko agad. Saka lagi niya akong kini-kiss. -3-"
"Syempre, love na love ka ng mom mo."
"Ok ok. Enough of mommy, so daddy asan na nga si Carla?"
"Nasa heaven na. Kasama na niya si Papa God.."
"She likes mommy pala nu? Wala na sila parehas. Pero alam mo daddy kahit di ko pa nakikita si mommy, feel ko maganda siya at mabait. Tulad nung si Carla."
"Yep. Gusto mo na bang makita ang mommy mo?"
"Oo naman po, ikaw kasi dad ayaw mo sakin ipakita yung picture ni mommy e!"
"Hahaha! ang cute talaga ng baby ko, osige teka." umalis ako sa kama niya at may kinuha sa kwarto ko.
Patakbo akong bumalik sa kwarto ni Kurt,
Inabot ko sa kanya yung photo album. Yung album na yun tinago ko ng matagal..
Yun mga litratong nasa loob non, ay yung mga litrato nung mommy niya pag nakatawa o kaya nakangiti.
"Wow! ang ganda ni mommy, sabi na nga ba e. Mana siya sa anak niyang gwapo. Hehehe."
"Alam mo anak, di ko siya nagustuhan dahil maganda siya, kundi dahil maganda yung kalooban niya."
"Talaga?"
"Yep. Bukas.. after class mo. Bisitahin natin si Mommy ha?"
"Ok dad! Sige daddy lumayas ka na dito sa kwarto ko, I'll stare mommy first before I go to sleep. Para mapanaginipan ko ulit siya.."
"Ok. Goodnight baby.. I love you." kiniss ko na siya sa noo at lumabas na ng kwarto.
5 yrs Carla. 5yrs since you left me and our son..
I miss you so much.....
END
______
END na'po talaga :) Wala na'ko mahalukay sa utakebells ko. Basahin niyo po yung A/N may sasabihin ako about sa nangyari dito sa EPILOUGE.

BINABASA MO ANG
A Story of Carla Mendoza [FIN.]
Teen FictionThis is a story of friendship, love, family and acceptance.