Previous Chapter:
"Alam mo? Kung mahal mo'ko, di mo ko hahayaang mapunta sa ganitong sitwasyon. Wag mo na ko itetext at tatawagan.. at kalimutan mo na'ko."
Umalis na'ko sa harap niya.
---
Chapter 4: The Story
Jenny's POV:
Pagkaalis ko sa harap ni Chris, pumunta ako sa room.
Bulungan sila ng bulungan ng tungkol kay Carla. As always..
Pagpasok ko ng room nakita ko rin na medyo madami na rin akong kaklase.
Nandito na'rin yung mga laging nangbu-bully kay Carla.
Pumunta ako sa may harapan. To get my classmates attentions..
"Pwede bang tigil-tigilan niyo na yung bulungan niyo tungkol sa bestfriend ko?!"
"E sa ayaw namin e. May magagawa ka ba?!"
"Wala pero may gusto lang akong sabihin.."
Tumingin silang lahat sakin, pati narin yung mga nasa ibang room pumasok sa room namin para makichismosa.
I sighed.
(Play nyo yung video, para medyo ma-feel niyo. Kasi yan yung pinapakinggan ko nung tinatype ko 'to. Title: Tears are Falling by WAX------->
And tignan nyo yung gif sa gilid, ganyan ngumiti si Carla. Ok? :) Sareh kung maliit kasi ang hirap hanapin niyan, lalo na't di naman talaga ako ngtutumblr. So.. enjoy!
"Di niyo dapat inaaway o kaya sinasamantala yung kabaitan ni Carla. Dahil hindi niyo alam yung tunay niyang pagka-tao para husgahan siya ng masama.." I sighed again.
"Si Carla ay bestfriend ko, since 4 yrs old ako at siya naman 3yrs old. Dati nung nakilala ko siya sinungitan ko siya pero nginitian lang niya 'ko at dun ko nalaman na mabait siya, dahil bukod dun pag may nangaaway sa'kin lagi nya kong pinagtatanggol. Lumaki kami ng sabay, nakilala ko yung buong pagkatao niya.. kaso imbis na masaya ako kasi nalaman ko lahat about sakanya.. nalungkot ako."
Yumuko muna ko tyka pinahid yung luha ko na tutulo nanaman.
"Si Carla isang simpleng babae na gustong makaramdam ng pagmamahal ng isang magulang at pagmamahal ng pamilya. Pero siya hindi niya yun naramdaman kahit kelan, bakit kanyo? Kasi di siya tinanggap nung mama nya at papa niya pati na rin nung ate niya isama niyo na yung lahat ng kadugo niya. Di naman talaga Mendoza ang apelyido niya e, ang totoo niyang apelyido ay 'Choi'."
Nakita kong nagulat lahat ng taong nasa harap ko. Ayaw ko naman sana tong ikwento e, kaso ayoko na pahirapan pa nila si Carla..
Pinunasan ko yung luha ko at nagsalita ulit. "Di nakaranas ng pagmamahal ng magulang at kapatid si Carla, kasi nung nagbuntis si Tita Roxanne hiniwalayan siya ni Tito Steven. dahil ang gusto ni Tito steve isa lang ang maging anak nila dahil yun ang kailangang sundin nila, pero nagbunga ulit yung pagmamahalan nila at yun ay si Carla."
I sighed again.
"Tinakwil sila ni Tito Steve, kaya ang ginawa nalang ni Tita ay ang maglasing tapos pag lasing na lasing na siya sasaktan na niya si Carla, wala nang naramdaman si Carla na sakit twing sasaktan siya ng mama niya kasi feeling nya manhid na yung katawan niya. Wala rin naman siyang magawa kundi ang umiyak e. Kasi kahit kelan di siya tinuring anak nung mama niya."
BINABASA MO ANG
A Story of Carla Mendoza [FIN.]
Novela JuvenilThis is a story of friendship, love, family and acceptance.