Chapter 12: ENDING

100 2 2
                                    

Chapter 12: ENDING

Jenny's POV:

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung nalaman namin na natamaan si Carla nang ganung sakit, di lang sakit sa puso kundi sakit narin sa utak.

Dalawang linngo narin ang nakalipas nung nakalabas siya ng ospital.

Napagpasyahan ni tita kris na iadopt niya si Carla na ikinatuwa ni tita roxanne. Ngayon nasa pangangalaga na siya ni tita kris, di narin natuloy ang pag iimbestiga dahil nasa puder naman na ni tita roxanne si Carla. Masaya ako kasi magiging ayos na..

At tulad ng sabi noon nung doktor, pagkagisng ni Carla di na naman niya kami maalala. Kahit nahihirapan kami.. ginagawa namin to kasi mahal namin si Carla.

Nagstay ako kila tita kris ng 3 araw. Ngayon ay pangalawa ko ng araw, nandito kami sa iisang kwarto. Magkakasama kami..

Hinihintay nalang namin na magising si Carla.

Gumalaw siya ng onti at bumangon. At inaasahan nanamin ang itatanong niya..

"Sino kayo?"

Napayuko nalang ako, kahit kagigising ko palang.. naiiyak nanaman ako.

Naramdaman ko nalang na yinakap ako ni Nay menda. Yep, kasama nrin ni tita kris si Nay menda.

"Nay menda.. naaawa po ako sa bestfriend ko. Kung may magagawa lang sana ako, matagal ko nang nagawa. Pero di naman po ako superhero para magamot siya, di hamak na isa lang akong normal na tao.." patuloy parin ako sa pagiyak.

"Tahan na.. wag mong sisihin sarili mo. Walang may kasalanan.. Siguro ito lang yung ginawa ng Diyos para mawala yung mga problema ni Carla, tignan mo nangyari diba? Nawala sya sa puder ng mama niya, at ngayon naman masaya siya. Ang kaso lang wala siya naaalala kahit isa satin."

Humiwalay rin ako kay Nanay Menda nung medyo nahimasmasan ako. Saka ako lumapit kay Carla.

Hinakilan ko siya sa noo. "Carla, kamusta tulog mo?" tanong ko.

"Mabuti naman."

Ngumiti lang ako. "Ako ang bestfriend mo. Ako si Jenny." ngumiti ako ng pilit saka ko kinagat yung baba nung labi ko kasi alam ko iiyak nanaman ako.

"Bestfriend kita? Kelan pa?" masaya niyang tanong.

"Simula nung mga bata pa tayo. Matagal nayun, kaya siguro di mo na maalala." ngumiti lang ako.

"Buti ikaw ang bestfriend ko, mukhang ang bait mo. Hinalikan mo pa ako sa noo."

Yumuko lang ako saka pinahid yung luha ko. "Kasi ganun kita kamahal. Para na kitang kapatid e. Tandaan mo yan ha? Mahal kita. At mahal ka namin."

Tumango lang siya saka pinahid yung luha ko. "Dapat di ka umiiyak, kasi pumapangit ka." tulad parin ng sinasabi niya sakin dati.

"Tara na, kain na tayo."

Kumain na kami at tulad ng ginawa namin kahapon. Nagkukwento kami ng tungkol sa amin at tungkol sa kanya.

Di namin sinasabi sa kanya kung ano sakit niya kasi baka makasama pa dahil narin may sakit siya sa puso at baka madepress lang siya. Ang sinasabi nalang namin wag nalang sya magpapagod..

Ngayon tumatawa siya, namimiss ko na yung ngiti niya. Namimiss ko na yung dating siya..

Dumating ang kinabukasan ganun ulit ang tanong nya samin. Ano ba ba aasahan namin? Pero kahit kelan di kami magsasawang magkwento ng magkwento basta ba sa araw araw na na gumigsing siya ay magiging masaya siya.

Di ko rin naman masisisi ang Diyos, tulad nga ng sabi nila 'May rason kaya nangyayari ang isang bagay.'

--

May Epilouge pa guys, don't ya worry! ;)) Di ko pa sure kung kelan ko ipo-post. Medyo busy e :) Good luck niyo nalang ako sa Monday. May Quiz kami sa Trigo at Math e. Hahahaha!

Follow me on twitter: @jajackielou

Updated: July 6, 2012 | 2:14 PM.

A Story of Carla Mendoza [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon