Chapter 3: Letting Go (Part 2)

147 3 0
                                    

Eto po ang Part 2. K? Super maikli lang itey :')

Comment and Vote :")

--

Umalis na'ko sa Park, hinanap ko si Chris.

Nakita ko siya sa GYM. Pinapanuod yung mga ka-team niya na nagpapraktis, nabalitaan ko na naalis siya sa team. Nang makita niya 'ko, pinunasan ko agad yung luha ko.

"Chris, I need to talk to you..NOW." lumabas ako ng GYM nakita ko naman na sumunod siya sa'kin. Nandito kami sa labas ng GYM, wala namang masyadong tao dito.

"What now? Ano na decision mo?"

"Break na tayo."

"W-what?!" halata na gulat na gulat siya. Pero wala na'kong pakielam! Basta ang gusto ko maging ok kami ni Carla.

"I said, break na tayo. Bingi ka ba?"

Lumpit siya sakin ng sobrang lapit saka niya ko hinawakan ng mahigpit sa braso ko.

"Di totoo yan. Bakit ba?!"

"Ayokong mawala sa'kin ang bestfriend ko!"

"So? Ano konek nang pakikipag-break mo sa'kin at dyan sa Carla na'yan?!"

"Kanina nag-usap kami. Ang sabi niya tapos na'daw ang pagiging magkaibigan namin."

"So?"

"So?! Ang sama mo!"

Tumahimik siya at tumitig ng matagal sa'kin. "I'm sorry Jenny mahal na mahal kita. Kinausap ko si Carla kahapon.."

"H-ha? Anong sabi mo?"

"Sinabi ko na napipilitan ka lang naman na samahan siya araw-araw at sinabi ko na.."

"Na ano?! Sabihin mo!"

"Sinabi ko na.. sagabal siya sa relasyon natin. Pero believe me! Wala akong masamang--"

*PAK*

"Napaka-sama mo para sabihin yang mga kasinungalingn mong yan kay Carla! Kaya pala ang iniisip niya, talagang sagabal siya sa'tin! Diba alam mo naman yung sitwasyon niya sa Pamilya niya?! Tapos dinagdagan mo pa?!"

"Pero sinabi ko lang naman yun dahil mahal kita e! Mahal kita." naiiyak nyang sinabi.

"Alam mo? Kung mahal mo'ko, di mo ko hahayaang mapunta sa ganitong sitwasyon. Wag mo na ko itetext at tatawagan.. at kalimutan mo na'ko."

Umalis na'ko sa harap niya. 

Gagawin ko na ngayon yung dapat matagal ko nang ginawa.

Pare-parehas lang sila..

Pare-parehas lang silang di mapagkakatiwalaan..

A Story of Carla Mendoza [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon