PART VI - HELL GROUND

30 4 1
                                    

SOMEONE's POV

Nakaupo lang ako habang tinitingan ang dalawang grupo na naglalaban sa stage o tinatawag nilang HELL STAGE .. Ang Devil Gang at Stone Precious Gang. Ang hihina talaga ng mga tao.. tss .

Nakita kong may kinukuhang patalim ang Leader ng Devil Gang habang papalapit ito sa Leader ng Stone Precious Gang.. Tss. Madaya talaga ang Devil Gang kahit kailan.

Namangha nalang ako ng sipain ni Devil King (Leader ng Devil Gang) si Gold Keeper (Leader ng Stone Precious Gang). Pagkasipa ni Devil King ay agad naman sana syang susuntukin ni Gold Keeper sa tyan kaya lang nauhan nya na ito ng pagsaksak gamit ang maliit na knife na kinuha nya. Napaupo si Gold Keeper at saktong gigilitan na ng leeg ni Devil King ng biglang may nagsalitang isang babae..

"So pathetic Devil King. Nanalo ka lang ng dahil sa pandaraya?" sambit ng babaeng nakamaskara ng violet na gamit ang kanyang malamig na boses.

"At sino ka naman?" tanong ni Devil King habang sinusuri ang babae.

"Ilang linggo lang akong nawala kinalimutan mo na ako. Nakakapagtampo naman." halata ang pangungutya sa boses ng babae.

"D-death Queen?" nanginginig na tanong niyo..

Tss. Bakit sya nanginginig? Eh pareho lang naman silang tao. At isa pa babae lang yan.

"Ako nga." nakangising sagot nito.
"P-patawad Queen." pagsusumamo nito sa babae..
"Patawad lang ang kapalit sa pagkalimot sakin? Hindi yata iyon makatarungan Devil King.. Ang gusto ko ay iyong buhay. Makipaglaban ka sakin ngayon din." nakakapanindig balahibong sambit nito..

Mukhang masaya ang larong ito. Isang babaeng tao ang nakakapag-amo ng isang lalaking tao? Hahahaha. Kahinaan!

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon