PART XXXVII - THE ATTACK

16 3 0
                                    

CLARK's POV

Gabi na at andito kami sa labas ng University. Nakaupo sa upuang ginawa ni Glydelle gamit ang kanyang Earth power..

"Wooow. Ang dami talagang staaarsss." manghang sambit ni Ayvy.

"Uuyyy. May shoooting star! Wish tayo. Hihihi." parang batang pumikit si Light..

Napatingin ako sa direksyon ni Glydelle na ngayon ay nakapikit rin. Kanina ko pa nahahalata na ang tahimik niya.

May nangyari kayang hindi maganda pagkatapos ng nangyari sakanya?

YVONNE's POV

Nagsipikitan kami ng aming mga mata ng may dumaang shooting star.

'Ang wish ko maging ligtas ang mga White Magic. Sana ay matalo naming mga Elementalist ang Dark Magic. At sana makaya ni Yanna ang responsibilidad niya.' sambit ko sa aking isip

Napadilat ako ng makaramdam ako ng malamig na hangin. Nakita ko ang lahat na gulat ang ekspresyon at nakatingin sa direksyon ni Yanna. Unti unti kong binaling ang tingin ko sakanya.

"W-what?!" mahinang sambit ko..

"Moonlight Princess. Yan ang tawag sa itinakdang prinsesang tatalo sa mga Dark Magic." seryosong saad ni Mendy..

Nakalutang si Yanna sa ere pero wala itong malay. Nakasuot ito ng kulay puting gown na animo'y pangkasal. May suot'suot din itong korona na nagtataglay ng apat na bato (gems) at ang kwintas niyang may pendant na korona ay mayroon din isang bato..

Umihip ng sobrang lakas ang hangin na halos tangayin kami.

Napapalibutan si Yanna ng usok.. Kulay pula,malamlam na pagkaasul,puti, at berde.

"Ano ang mga iyon?" takang tanong ni Ayvy.

"Ang mga Elemental soul." tanging sagot ni Mendy.

Mayamaya ay tanging asul ang nakapalibot sakanya. Para itong kulay ng kalangitan paggabi.

"Yanna!" sigaw ni Clark ng may maghagis ng black water arrow sa kinaroroonan ni Yanna.

W-wait. Did he just call Yanna , Yanna ? Hmm. Something fishy..

"Sh*t." naiinis na sambit ni Mendy.

"Nilulubos na tayo. Try to get you freyget." utos samin ni Mendy.

Kinuha ko ang freyget ko at tinignan.

'Shit' I cursed.

Ang daming kalaban. Halos libo ata. At ang masama pa ay ngayon na sila aatake..

"Clark! Try to communicate with the faculty! Sabihin mo sa kanila ito." utos ni Mendy kay Clark.

Ginamit ko naman ang speed ability ko para mapuntahan si Yanna.

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon