PART XLIV - DARK QUEEN VS. MOONLIGHT PRINCESS

16 2 0
                                    

CLARK's POV

Nakahanda na kaming apat para kalabanin ang Dark Queen.

Ayon sa napag'aralan ay tanging pinagsama'samang elemental power ang makakatalo sa Dark Queen. Kung tutuusin ay kaya na ito ni Yanna ngunit may posibilidad na matalo siya dahil sa lakas ng enerhiyang gagamitin niya.

Naglabas na kami ng kanya'kanya naming elemental ball at pinapalaki ito.

Ginamit ng Dark Queen ang kapangyarihan niya para atakihin kami pero hindi siya nagtagumpay. Gumawa ng napakakapal na shield si Light na poprotekta samin.

"Mga walangya! Hindi kayo lumalaban ng patas." galit na sambit nito habang hinahagisan ng Dark power ang direksyon namin.

Pinag'sama'sama na namin ang mga enerhiyang nalabas namin. At napunta lahat kay Yanna.

Nakalutang siya sa ere habang hawak hawak ang napakalaking elemental ball. Biglang nagliwanag ang paligid ni Yanna at nag'iba ang kanyang suot..

"Moonlight Princess." dinig kong bulong ni Ayvy.

Buong pwersa niyang inihagis ang elemental ball sa direksyon ng dark queen.

Sunod naman ay inatake niya ito gamit ng..

"W-what's that?!" nagtatakang tanong ni Light.

Ang ginamit niya sigurong kapangyarihan ay ang sa Moonlight Princess.

"Hindi pa dito nagtatapos ang lahat." sabi ng dark queen na halatang nahihirap na.

"Paalam." malamig na tugon sakanya ni Yanna sabay atake gamit ang fire blast.

Biglang bumalik ang paligid sa normal. Hindi na ulit ito napapalibutan ng kadiliman bagkus ay maaliwalas na ito.

"Nagawa natin!" masayang sambit ni Yvonne.

"O-o-oo nga." nanghihinang sambit naman ni Yanna.

Biglang nahimatay si Yanna habang naglalakad papasok ng University.

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon