PART XL - DECISION

18 3 0
                                    

YANNA's POV

Papalapit na ako sa kinaroroonan ni kuya ng biglang may nagsalita sa isip ko.

'For pete's sake Yanna! Wag kang sasama sakanya! Ilusyon lang ang lahat!' sigaw ni Clark sa isip ko.

Totoo kayang ilusyon lang ang lahat?

"Yanyan,halika na." sabi ni kuya sabay lahad ng kamay.

'Pls. Im begging you Yanna. Don't go.." halata ko ang pag'aalala niya.

Habang papalapit ako sa kinaroroonan ni kuya ay gumawa ako ng invisible air arrow.

Ang tanging paraan lamang para makalabas ako sa ilusyong ito ay ang di maniwala.

Nang malapit na ako ay agad ko siya tinira ng invisible air power ko. Hindi ko sinasadyang sa puso ko siya asintahin. Kitang'kita ko ang dugong umaagos mula sa dibdib niya.

Biglang nawala ang mga itim na usok na nakapaligid sa paligid. Nakita ko si Clark na nakikipaglaban sa kapwa niya may power.

Muli kong tiningnan ang direksyon ni kuya upang makumpira ang nangyari..

"Oh my God!" pabulong ngunit ba madiin kong sabi ng makita si kuyang nakaluhod sa lupa habang hawak hawak ang kanyang dibdib.

Halos takbuhin ko para lang makalapit kay kuya.

'Stop. Wag kang lalapit sa kanya. Siya ang may kagagawan ng ilusyon. Isa siyang black illusionist.' biglang sabi sakin ni Clark sa isip.

Napahinto ako bigla ng narinig ko iyon. Pati ba naman si kuya?

Nakita kong nahihirapan at nasasaktan na siya. Gusto kong lumapit pero may nagsasabi sa parte ko na wag siyang lapitan dahil isa siyang kalaban.

"Y-yanyan." nanghihinang tawag niya sakin.

Biglang tumulo ang luha ko ng marinig ko ang mga boses niya. Lumapit pa ako ng ilang hakbang.

Ngunit napatigil ako ng may itinapon siyang mga itim na karayom sa direksyon ko. Naiwasan ko ang mga iyon.

Wala akong ibang desisyon kundi ang patayin siya.

Gumawa ako ng malaking waterball at ikinulong siya sa loob. Ikinulong ko siya hanggang sa malunod at mawalan siya ng hangin..

Tuloy tuloy ang paghikbi ko ng nakaramdam ako ng masakit mula sa bandang tuhod ko..

Nakita kong may nakabaong isang itim na karayom dito. Agad ko naman itong inalis. Nakakaramdam ako ng sakit. At unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

"Yanna!" rinig kong sigaw ni Yvonne.

Unti unting nanghihina ang mga katawan ko. Naramdaman ko nalang nakahiga na ako lupa.

*blackout*

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon