PART XV - REVELATION 2

21 5 2
                                    

YANNA's POV

Ughh. Ang sakit ng ulo ko. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang Queens na malapad na nakangiti sakin..

"Bessstyy..Kala ko mamatay ka na buti nalang nagising ka na..huhuhu" kunwaring umiiyak na sabi ni Ayvy

//batok//

"Ayvy, patay agad ? diba pwedeng na'coma muna tas nagkaamnesia at dahil sa pag kadepressed nagsuicide. Ayun.patay !" sabi naman ni Light..

//batok// //batok//

"Ouch.. Nagjojoke lang naman ako Yvonne eh. Dapat si Ayvy binatukan mo >< " saad ni Light habang nakanguso.

"Magsitigil nga kayo. Mga bata." inis na sabi ni Yvonne sa dalawa. "Kamusta ka na bff? Pinag'alala mo kami!" sabag yakap nito sakin..

"I'm ok. Pero what happened?" maang'maangan kong tanong kahit alam kong may ideya naman na ako..

Nagsitinginan ang lahat kay Clark..

"What? Just tell her. Walang lihim na di nabubunyag" kalmadong sabi nito

"Kasi ganito yun......." kinwento lahat ni Yvonne ang nangyari simula sa Hell Ground.

Hindi nga yun panaginip totoo iyon..

" woow. *O* May powers kayo? ang galing!" parang batang sambit ko sakanila.

"Stop being childish. Mamangha ka sa sarili mo. Ikaw nga dyan ang may kapangyarihan na nakakapangmaha." sabat ni Mendy.

"W-what? A-ako may powers? Ano yun?" nagtataka kong tanong.

"Air. You're the last Air Bender as for i know." sagot ni Clark..

"Last ? Bakit naman last?" halata namang ako'y nacurious sa mga pangyayari..

"Nung mga nakalipas na siglo ay naglaban ang Dark and White Magic. Which is tayo ang white sila ang black. Ito ang tinaguriang pinakamatagal na digmaan sa Kesha Dreamland. Halos lahat nagtulungan upang magapi ang Dark Magic. Pero marami ang namatay. Naubos ang angkan ng Air Bender. At namatay ang prinsesa." malungkot na kwento niya saamin.

"P-prinsesa? Bakit naman nagkaroon ng digmaan?" tanong ko sakanila.

"Ang unang pakay ng Dark Magic ay ang mapatay ang prinsesa dahil ito ay ang nakatakdang pumigil at magwakas ng kasamaan. Naging pakay din nila ang ubusin ang White Magic at sakupin ang ating lupain." sabi naman ni Mendy..

"Ang prinsesa ay nagtataglay ng halos lahat ng kapangyarihan. Siya ang pinakamalakas sa lahat." dagdag naman ni Light.

"Aah. Ok." tanging sagot ko sakanila.

"Kaya ang swerte mo besty.. Ikaw ang last Air Bender. Parang si Avatar lang? hihihi" natatawang saad ni Ayvy

//batok// //batok// //batok//

Pano ako magiging Air Bender kung ilang siglo na ang nakalipas ng matapos ang digmaan?

*sigh* Hindi ko pa rin maintindihan..

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon