PART X - KESHA DREAMLAND 2

32 4 2
                                    

SOMEONE's POV

Nakakairita talaga yung bubwit na yun kahit kailan! Napaka pakialamera lang -_-
Nakakabwisit ! Buti nalang at ang ganda ng ambiance dito sa Kesha Dreamland. Nakakawala ng sama ng loob.

Makikita mo dito ang mga bagay na hindi mo aakalaing makikita mo.. Iba't - ibang kulay ng magagandang puno at halaman. Mga creatures na sa lugar lang namin makikita. At bukod sa lahat nakakagaan ng loob makita ang mga batang naglalaro ng kanilang kapangyarihan. Para bang wala silang mga problema..

Pagkatapos ko magmuni'muni ay tumuloy na ako sa palasyo.. Napakalaki at napakaganda nito. Walang sinabi ang sinasabing mansyon ng mga tao.

"Nagagalak ako at naparito ka ulit Clark." salubong na pagbati sakin ng hari.

"Nagagalak din po ako sa pagbalik ko rito." sabi niya sa hari.

"Anong dahilan at naparito ka Clark?" tanong ng reyna.

"Nais ko pong ipaalam sainyo na nakikita ako sa mundo ng mga tao ng isang babae na nagtataglay ng kapangyarihan. At sa tingin ko po ito ay Air Bender." mahabang paliwanag niya.

Gulat na gulat ang mahal na hari't reyna sa kanilang narinig. Ang reyna ay parang maiiyak na kahit anong oras.

"Ganun ba? Salamat sa impormasyon. Maaari ka ng bumalik sa mundo ng mga tao. At kung maaari lang ay iyong bantayan anh Air Bender." kalmadong sabi ng hari.

"Kung iyan po ang inyong gusto." sabi ni Clark

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon