PART XLV - PEACE

22 3 1
                                    

YVONNE's POV

Ilang araw ding tulog si Yanna. Masyado niyang nagamit ang lakas niya.

"Kelan kaya siya magiging?" tanong nitong si Ayvy.

"In just a matter of fact,gising na siya." pagtataray naman ni Light ..

YANNA's POV

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar.

"Ikinagagalak kong makita ka ulit dito mahal na prinsesa." isang malambing na tinig ang sumalubong sakin.

"Moonlight Princess." nakangiting sambit ko sakanya.

"Ikaw ang Moonlight Princess mahal na prinsesa. Maaari mo akong tawaging bilang Sailor Moon." nakangiting sambit nito.

"Kung gayon bakit ako naririto Sailor Moon. Hindi ba't tapos na ang aking misyon? Wala na ang Dark Magic." seryosong tanong ko sakanya.

"Gusto lamang kitang purihin sa iyong kagitingan. At bilang gantimpala ay tutuparin ko ang iyong isang kahilingan." seryosong sambit nito..

"Kahilingan?" nagtataka kong tanong sakanya.

"Oo mahal na prinsesa. Kahit anong kahilingan." sabi nito.

Bahagya akong napaisip.
Kahilingan? Ano nga ba ang gusto ko?

"Hinihiling kong maging normal ang buhay ng kung sino mang White Magic na nagnanais nito." seryosong sambit ko.

"Ano ang iyong ibig sabihin mahal na prinsesa?" tila naguguluhang tanong nito.

"Gusto kong mabuhay bilang normal. Buhay na walang mahika. Alam kong maraming mga White Magic ang nagnanais nito sa kadahilanang gusto nilang maging mapayapa ang kanilang buhay." seryosong pagpapaliwanag ko..

"Kung gayon, masusunod iyon mahal na prinsesa." nakangiting tugon nito.

Biglang nagliwanag ang paligid..

" In just a matter of fact,gising na siya." boses iyon ni Light.

Pagmulat ng aking mga mata ay sinalubong ako ng matatamis nilang ngiti.

"Mabuti nalang at gising kana." sabi ni Clark sabay yakap sakin.

"Eheemm.Ehemm." sabay sabay naman na pagpaparinig ng apat.

" *chuckle* Para sayo." saboy abot sakin ni Clark ng isang bouquet violet roses. My favorite *u*

Nakikita kong masaya na ang lahat. Sana ay tama ang naging desisyon ko. Mamumuhay kami ng tahimik sa mundo ng mga tao.

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon