PART XXXIX - THE TRAITORS

20 3 0
                                    

YANNA's POV

Hindi ko gustong masaktan ang kikinkilala kong kapatid ngunit kinakailangan.

Tinira niya ako gamit ang black water power niya at nagsummon ng dark water dragon.

Hindi ko na siya pinahirapan pang kalabanin ako. Ikinumpas ko ang aking kamay at naglaho ang black water dragon at ang mga black water na pinapalabas niya.

Ikinumpas ko rin ang kamay ko para hindi siya makahinga.

"M-matalo mo man ako. Hinding-hindi mo sila matatalo! Lalo na ang reyna!" nahihirapang usal nito.

Muli niyang sinummon ang kanyang black water dragon. Ang buong akala ko ay sakin aatake ngunit nagkamali ako. Inatake nito si Gellia at tuluyang naubusan ng hangin.

"G-gellia." nagsusumamong tawag ko sa nakahilatang bangkay. "P-p-patawad." naiiyak kong sabi..

Biglang nag'iba ang buong paligid. Mukha itong pamilyar..

"Ate, pasyal tayo mamaya aah." ang batang Gellia habang hawak ang kanyang manika

"Oo naman. Malakas ka sakin eh." tugon ko naman

"I love you ate." sabi ni Gellia.

"I loveee you to the moon and back bunso." nangiting sambit nito.

Biglang nag'iba naman ang paligid nasa Kesha University na ulit ako. Nakita ko ang mga ginawa ko kanina kay Gellia..

"Anong pakiramdam ng pumatay ng kapatid." tanong sakin ng isang tinig.

"Hindi ko siya pinatay!" giit ko sakanya.

"Sinungaling!" sigaw niya pabalik sakin..

Biglang nag'iba ang paligid. Nasa isang lugar ako na puro puti.

"Ate." tawag sakin ni Gellia na ngayon ay buhay na buhay na nakatayo habang nakangiti sakin..

Lalapit na sana sakin ng biglang may nagsalita sa isipan ko..

'Nasa loob ka ng isang ilusyon. Wag kang magpapadala dahil baka hindi ka na makalabas pa. Wag ka maniwala sa mga nakikita mo.' sabi ng boses ni Clark sa isipan ko..

Muli ay natauhan ako..

"Palabasin mo ko dito! Makipaglaban ka ng patas!" sigaw ko

"Ayaw kong mangyari iyon mahal na prinsesa. Ang pakikipaglaban gamit ang iyong kapangyarihan ay patas. Patas ang labanang ito." malademonyong tinig nito.

"Papatayin kita kung sino ka man pag nagkalabas ako!" gigil na sambit ko sakanya.

"Papatayin mo ako mahal na prinsesa? Tss. Kawawa ka naman. Pinapatay mo pala ang mga taong mahal mo sa buhay." sabi niya na tila ba nanlulumo.

"Mahal sa buhay!? Ni hindi nga kita kilala!" sigaw ko sakanya.

Biglang nag'iba ang paligid. Andito ako ngayon sa bahay namin sa mundo ng mga tao.

"Aalis muna si Kuya, Yanyan." paalam sakin ng kuya kong si Glyde

"Sasama ako kuya. Saan ka pupunta?" malungkot na tanong ko sakanya.

" *chuckles* Sa milya'milya Yanyan. Pero promise ni kuya babalik siya. Magpromise ka rin kay kuya na sasama ka pagbumalik na siya ha." nakangiting sambit nito sakin.

"Opo! Promise." masiglang sagot ko sakanya.

Napapikit ako ng may tumulong luha sa mata ko. Namimiss ko na si kuya. Pagdilat ng mata ko ay nasa Kesha University na ulit ako. Kaharap ang nag'iisang lalaking mahal ko..

"Nagbalik na si Kuya." nakangiting sagot nito.

Ngumiti lamang ako ng malapad bilang pagtugon dito

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon