PART XXXIII - THE MESSAGE

22 3 2
                                    

SOMEONE's POV

Mukhang madaling natutunan ng prinsesa ang pag gamit ng mga kapangyarihan. Isang linggo lang ang nakalipas mula ng nagsanay siya at ngayon marunong na siyang pagsamahin ang dalawang elemental power.

Hindi nakakapagtataka ang paraan niya sa pakikipaglaban. Matalino talaga si Yanna simula bata pa kami..

Halata sa pag'atake niyang ginawa kanina na pinagplanuhan.

Tss. Napamahal ka na sakin Yanna. Pero hindi ito ang nakatadhana. Kailangang mamatay ka upang mabuhay ang mga katulad ko..

DARK QUEEN's POV

Hindi ko nagustuhan ang nalaman kung balita mula sa espiya ko sa Kesha University.

Mukhang kailangan na naming kumilos bago pa man mahuli ang lahat..

"Ikinagagalak ko kung matatanggap nila ang mensahe ko. Maari mo ba itong iparating sakanila?" tanong ko sa aking espiya.

"Maaari po mahal na reyna." sagot naman nito sakin..

YVONNE's POV

Ang aga aga may nagpadala ng regalo mula sa labas ng aming kwarto..

Kulay itim itong maliit na box na may violet na ribbon..

'To: Yllana Glydelle Haya"

Nakalagay sa card..
Sinong nakakaalam ng Surname ni Yanna sa mortal na mundo..

Ibinigay ko nalang ito kay Yanna na ngayon ay kakagising lang..

Dumiretso ako sa kusina upang magsaing ng almusal ng makaramdam ako ng kakaibang enerhiya..

"Yanna!" sigaw ko ng maabutan ko itong papunta sa direksyon kung nasaan ang kutsilyo.

Hindi niya ako naririnig. Para bang nahynotize siya..

Nakita ko na may lumalabas na itim na usok mula sa hawak nyang box..

Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko para mapatalsik ang box sa kamay niya gamit ang Air power..

Nang tumalsik ito ay gumawa ako ng malaking airball at ikinulong ito sa loob. Biglang nasira ang box at kasabay nito ang mala demonyong boses..

"Malapit na akong bumisita sa Akesha University. Matutuos na tayo mahal na prinsesa...whahahahahaha." nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa batok.

Itinapon ko ang box gamit ang whirlwind. Lumapit ako sa nakahandusay na katawan ni Yanna..

(a/n: Guess who kung sino yung Someone's POV sa part na to ^^ )

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon