PART XXIX - EARTH BENDING TRAINING

19 3 0
                                    

YANNA's POV

Kanina pa sila tanong ng tanong kung ok na ba ako o kung kaya ko ng mag training.

"Ok na nga ako. See?" umikot pa ako para makita nila na ok na ako.

"Sige. Mag'iingat ka. Wag masyadong ubusin ang enerhiya mo sa pagpapalabas ng kapangyarihan." sabi sakin ni Yvonne.

"At kayo naman Mendy at Light, ingatan niyo to! Wag niyo RIN yan dadaanin sa dahas!" sabi ni Ayvy sabay tingin sa direksyon ni Clark .

Tsss -_- Kawawang Clark. Hindi pa rin napapatawad ni Ayvy.

"Bye. Guys." sabi ko sakanila bago lumipad ang fire dragon ko.

Yes! Nasusummon ko na ang fire dragon ko. Pero ang ibang dragon hindi pa -_- Nasa likuran ako ni Mendy at Light na kapwa nakasakay sa Earth Dragon nila. Papunta kami sa isang burol. Dun kami magtetraining.

Nakarating na kami sa burol. Kitang kita mula sa malayo ang Kesha University.

"So, pareho ng pinagawa sayo ni Clark. Kailangan mo munang mag'meditate. Feel the surroundings." sabi sakin ni Light.

Ginawa ko ang sinabi nila. Umupo ako sa grass at nagmeditate. Ramdam ko ang enerhiyang lumalabas sakin. Tila ba ay kinakausap ako ng kapaligiran..

"Magaling Yanna. Kailangan nalang ay mapalabas ang Earth power dahil nagising mo na ang earth soul." wika ni Mendy.

Nagconcentrate ako at tumingin sa lupang kinatatayuan ko. Laking gulat ko ng mabiak ang lupang kinatatayuan ko.

"Madali lang naman palang mapalabas ni Yanna ang kapangyarihan niya." manghang sabi ni Light.

"Marami ka pang kailangang matutunan sa Earth power. Hindi lang basta lupa ang kaya nitong kontrolin." seryosong sabi ni Mendy.

"Kaya mong kontrolin ang panahon. Kunwari ang pag'ulan at pag'init. Sa pag'ulan kaya mong kontrolin ang ulan at kidlat." dugtong naman ni Light.

"Maaari mo ring pagalawin o bigyang buhay ang mga halaman o puno. Kaya mong pasunurin ang mga hayop." dagdag naman ni Mendy..

LIGHT's POV

Ang galing ni Yanna. Ang bilis niyang matutunan ang pagkontrol ng earth power. Pursigido siyang malaman lahat ng technique nito ..

Ano kaya ang nangyari at ganito niya kabilis natutunan ang lahat?
Hindi pa natatapos ang maghapon ay nakabalik na kami sa University ...

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon