PART XXIII - THE PRINCESS IS ALIVE

21 3 0
                                    

MENDY's POV

Nagulat ang lahat dahil sa ikinwento ni Yanna at Yvonne. Marahil ako'y nagtataka. Air at Water ? Ayon sa nabasa ko hindi maaaring maging dalawa ang elemental powers mo. Ang mga elemental powers ay Air,Water,Fire, at Earth...

Posible kayang???..

Kinuha ko ang Iphone ko at binuksan ang app na para sa mga tulad naming magic users. Wag kayo magtaka kung bakit meron ako nito. Ang parents ko ay sikat dito sa Akesha Dreamland dahil sa kanilang taglay na katalinuhan.

"Ang merong dalawa o higit pang elemental powers ay tinataglay lamang ng prinsesa." sabi ko habang nakatitig sa Iphone ko.

Tinignan nila ako na para bang naghihintay ng susunod na sasabihin.

"Ayon sa propesiya, ang prinsesa ay nagtataglay ng lahat ng elemental power. Ang Air,Water,Fire,and Earth. Maaari din siyang magkaroon ng iba pang kapangyarihan bukod sa elemantal power." saad ko sakanila..

"B-baka nagkakamali ka lang." nanginginig na tanong ni Yanna.

"Hindi pa nagkakamali ang mga magulang ko. And besides naging kaibigan nila ang huling oracle." seryosong sagot ko sakanya.

Natahimik ang lahat..

YANNA's POV

P-prinsesa ? Posible kayang ako ang prinsesa pero imposible. Patay na ang prinsesa.

'Wag mo masyadong isipin ang iyong natuklasan. Hindi mo nakokontrol ang iyong kapangyarihan. Maraming lumalabas na enerhiya mula sayo." sabi sakin ng isang tinig sa aking isipan. Marahil ay ginamit naman ni Clark ang kanyang telephaty.

Bigla na lamang tumayo si Clark..

"Sir, kailangan po naming pumunta kay Headmaster." paalam ni Clark saming guro na nasa unahan.

"You may go." sagot ng guro namin.

Bakit kami pupunta sa Headmaster? Ipapaalam ba nila ang nangyari kanina ? Natatakot ako na baka mali ang hinala nila..

"Don't worry everything will be fine besty." sabay tap ni Ayvy sa balikat ko..

Sana nga. At kung ako man ang kanilang prinsesa ,sana magampanan ko ang nakatadhana.

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon