PART XLI - MEET THE TRAITOR

18 3 0
                                    

YVONNE's POV

Agad kong ginamit ang speed ability ko para mapuntahan si Yanna na nawalan ng malay.

'Dalhin mo na muna siya sa clinic. Kami na ang bahala dito.' napatingin ako sa direksyon ni Clark.

Dinala ko na lamang si Yanna sa clinic at ipinakunsulta sa isang healer.

Madami ring mga nasaktang estudyante dahil sa labanan.. Tss -__-

"Mabuti at nadala mo siya kaagad dito." sabi sakin ng healer.

"Ano po ba ang nangyari sakanya?" usisa ko.

"May lasong nasa loob ng katawan niya. Mabuti at mabagal ito. Naalis ko na ang lason. Pag nagising siya ay magiging ok na siya." sabi ng healer.

"Kailan po siya magigising?" tanong ko sakanya bago siya umalis.

"Ilang minuto lang. Nawalan lang naman siya ng malay dahil sa lason. Ngayong wala na ito ay magigising na siya." sagot niya bago tuluyang umalis...

Naaawa na ako sa bff ko. Nahihirapan na siya ng husto.

"Bakit tayo narito?" nagulat ako. Gising na pala siya.

"Nalason ka kaya pinagamot na muna kita." sagot ko sakanya.

"Ok na ako. Kaya ko ng makipaglaban ulit." malamig na sagot niya sakin.

Tumayo siya at naglakad papalabas ng building. Wala na akong nagawa kundi ang sundan siya..

CLARK's POV

Nakita kong naglalakad si Yanna. Walang mababakas na emosyon sa mukha nito. Lahat ng umaatake sakanya ay kanyang kinakalaban. Kung hindi man ito patay ay siguradong hindi na makakalaban pa ulit.

Tumayo siya sa gitna. At sumigaw.

"Dark Queen! Lumabas ka na! Maglaban tayo! Tapusin na natin ang labanang ito." gigil na sigaw nito sa kawalan.

"HAHAHAHAHA. Masyado ka atang matapang mahal na prinsesa. Hindi pa tayo pwedeng maglaban. May pangatlong regalo pa ako sayo na tiyak na ikakatuwa mo.Hahahahaha." malademonyong sambit nito.

"Letseng regalo yan! Bakit ang tagal? Naiinip na ako!" bakas sa mukha niya pagkabagot.

"Wag ka mainip mahal na prinsesa. Nasa likod mo na siya." halatang nasisiyahan siya sa pangyayari.

Unti unting tumalikod si Yanna. At nakita ang isang lalaki na nasa mid-40's

"Ito ba ang regalo mo? Walang kwenta! Basura lang ito para sakin." malamig na tugon niya.

"Don't call me crap Young Lady." sabay ngisi ng lalaki..

Biglang nabalutan ng itim na usok ang paligid nila Yanna hanggang sa lamunin na ito ng kadiliman. Hindi na namin sila makita mula sa labas.

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon