PART XXXV- MOONLIGHT PRINCESSS

22 3 0
                                    

YANNA's POV

Pagdilat ko ng mga mata ko ay naisa akong pamilyar na lugar.

Nasa gitna ulit ako ng dagat.

"Ikinagagalak kong makita ka ulit mahal na prinsesa." bungad sakin ng isang maamong mukha.

"Moonlight Princess, ano ang ginagawa ko sa iyong lugar?" tanong ko sakanya.

"Gusto ko lamang bigyan ka ng babala." sabi niya habang nakatingin sa buwan.

"A-ano ang iyong babala Moonlight Princess?" seryosong tanong ko sakanya.

"Mamaya, sa kabilugan ng buwan, ay ang nakatakdang panahon para sa pagiging prinsesa mo... Hindi lamang prinsesa ng iyong lugar. Ngunit pati ng lugar na ito." nakangiting sabi niya sakin..

"H-hindi ko po kayo maintindihan. Kayo po ang prinsesa ng lugar na ito." naguguluhang sambit ko sakanya.

Umiling'iling lamang siya.

"Mahal na prinsesa, ang nakatadhanang maging Moonlight Princess ay ang taong may taglay na pinakamalakas na kapangyarihan at busilak na puso para ipagtanggol ang buong mundo laban sa kadiliman.." paliwanag nito sakin.

"Hindi busilak ang aking puso." mariin kong saad.

"Iyon ay sinadya ng Dark Magic upang ika'y hindi maging Moonlight Princess.. Pero makikita at mararamdaman mo na meron kang taglay na busilak na puso." sabi niya sabay lapat ng kanang kamay niya sa dibdin ko kung nasaan ang puso..

"Ako'y naging Moonlight Princess lamang dahil ika'y nawawala. Tanging pagbabalik mo lang ang hinihintay upang ako'y mapalitan." seryoso ngunit maaliwalas ang kanyang mukha ..

"May isa pa akong babala mahal na prinsesa. Mag'ingat ka. Wag kang magtiwala sa kahit na sinuman. Tahakin mo ang tamang landas. Huwag kang magpapadala sa kadiliman dahil iyon ang magiging katapusan ng lahat." siya

"Ikaw lang ang aming pag'asa Moonlight Princess.. Huwag mo sana kaming biguin." sabi niya habang nagiging malabo na ang kanyang pigura..

"Paalam. Andito lang ako palagi para gabayan ka. Pero ikaw pa rin ang masusunod. Nasa iyo ang huling desisyon." huling bilin niya bago siya mawala..

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon