PART XXVIII - REST DAY

17 2 0
                                    

YVONNE's POV

Nag'alala kami ng nakita naming bumaba si Clark kasama ang walang malay na si Yanna mula sa dragon.
Puro sunog ang nasa katawan nila.

"Bakit mo naman dinaan sa dahas Clark!?" naiinis na tanong ni Ayvy.

"Hindi ko sinasadya. Kailangan ko gawin yun. Lalo na at kinalaban niya ako. Kailangan kong lumaban." halata sa mukha niya ang pag'aalala.

Dinala namin si Glydelle at Clark sa clinic upang mapainom ng healing tablets at magamot ng healers. Tanging ang sakit at sugat lang ang kayang gamutin ng healing tablets. Kaya ang healers na ang bahala sa peklat nila..

MENDY's POV

Dalawang araw na mula ng nangyari ang labanan kay Clark at Yanna. Hindi pa rin nagigising hanggang ngayon si Yanna.

Excuse pa rin kami sa klase kahit na hindi kami nagtetraining. Kailangan naming bantayan ang paggising ni Yanna .

YANNA's POV

Ang sakit ng katawan ko.... T_T
Minulat ko ang aking mata at nakita ko ang sarili ko sa gitna ng dagat. Ang linaw ng tubig. Ang lamig ng simoy ng hangin. Maraming bituin sa kalangitan at kitang kita ang liwanag ng bilog na buwan.

"Asan ako?" bulong ko sa sarili ko..

"Andito ka sa aking lugar Prinsesa." sabi ng isang babaeng ubod ng ganda. Napakaamo ng kanyang mukha at may suot siyang korona na nagtataglay ng apat na bato (gems)

"Ano po ang ginagawa ko rito?" magalang na tanong ko sakanya.

"Andito ka upang kuning ganap ang kapangyarihan bilang prinsesa." malumanay na sagot nito .

"P-paano ko po makukuha ang kapangyarihan?" nagtataka kong tanong.

"Madali lang iyon. Tanggapin mo lang ng buong puso ang pagiging Prinsesa." sabi niya ng nakangiti.

"Paano ko po malalaman kung ganap na ang kapangyarihan ko?" ako

"Ikaw mismo ang makakasabi niyan mahal na prinsesa. Kailangan mo ng maghanda. Nalalapit na ang pagsalakay ng Dark Magic." kalmadong sagot nito.

"Salamat sa impormasyon. Maaari ko bang malaman ang iyon pangalan?" tanong ko sakanya.

Ngumiti siya at nagsalita ..
"Ako ang Moonlight Princess, mahal na prinsesa..... Hanggang sa muli."

--

Napabangon ako ng biglang nawala ang babaeng kausap ko. Teka... Iba na ang lugar nito ah.. Nakita kong nasa isang silid ako na puro puti..

Tulog ang Queens.

"Panaginip lang ba kita Moonlight Princess?" bulong ko sa sarili ko..

Under The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon