NOTE: REVISED. Editing and grammar check will follow. For those who read this while it is still unrevised, malaki yung binago ko. Pasensya na. Hiniwalay ko rin yung epilogue.
----
AVERY'S POV
Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng katawan ko sa malamig na semento at ang mahinang pagtawag ni Neon sa pangalan ko.
"N-neon." Nanginginig ang buo kong katawan habang pinagmamasdan siya. Hindi... p-paanong... "Neon!"
Naramdaman ko na lang ang pagkahilo at tuluyan na akong nawalan ng malay.
----
"Ano ng balak mo?" Nabaling ang tingin ko kay Drimmer na kasalukuyang pinaglalaruan ang kutsara nito sa tasa. "It's been a year."
"It's been a year of wasted chances." Malumanay kong saad. Marami akong bagay na pinagsisihan. Marami akong bagay na pinaniwalaan na hindi naman dapat. "Sana natuto akong makinig. Sana hindi ako madaling nagpauto."
"Huwag mong sabihin 'yan. It's Zyrene's fault."
Should I throw the blame on Zyrene? I know she's at fault but I'm also to blame after all. Kung hindi ba naman ako isa't kalahating gaga, hindi sana ako nauto ng mga salita niya. I was fooled easily.
Ngayon hindi ko na alam kung paanong aayusin ang lahat. It's been a year yet everything feels like it happened just yesterday. Hindi ko pa rin matangap, kahit sila, na ganoon ang kinahinatnan ni Neon.
Hindi ganoon kadaling tanggapin ang lahat.
"Everything will be alright Avery." Ngumiti ako ng pilit kay Maurine. How come when my conscience is eating me alive.
Matapos ang aksidente nalaman ko ang totoo. Ang totoo sa mga kasinungaling pilit na binaon ni Zyrene sa utak ko. Masyado kong nilunod nag sarili ko sa kasinungalingang sa simula pa lang ay hindi ko na dapat pinaniwalaan.
"Woaw! This is what we call news!" May kalakasang sabi ni Drimmer. "Guess what, karma has its own way of punishing people."
"Bakit?" Takang tanong namin ni Maurine sa kaniya.
"The bitch is on the rehab. Zyrene was sent to the there after acting weird. Months na raw siyang ganoon." Pinakita pa niya sa amin ang text ni Ashley.
Oh goodness.
"Iyon naman pala eh. Nasa tamang lugar na siya. Sa lugar kung saan naman talaga nararapat ang mga baliw na katulad niya." May kasama pang irap na sagot ni Maurine.
Hindi ko naman alam kung anong tamang maramdaman. I hate Zyrene but that doesn't mean na gusto ko ang nangyayari sa kaniya ngayon.
She's just like anybody who's been hurt. She wanted revenge on her part. Pero hindi naman ibig sabihin na napakasama niyang tao. Ganoon din kasi ang nasa isip ko ng mga panahong galit ako kay Neon. I wanted to take revenge on him pero hindi ko pala kaya.
"Let's visit her." Hindi ko alam kung tamang bisitahin ba siya pero gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung ano 'yong mga bagay na gumugulo sa kaniya.
"Sure! I want to see her suffering." Nakangising turan ni Drimmer. I want to see how the bitch kneels down just to be forgiven."
"Stop it Drimmy." Pero nagkibit balikat lamang ito.
Dumiretso kami sa rehabilitation center kung nasaan si Zyrene. Hindi na sumama si Maurine dahil may kailangan daw siyang asikasuhin.
"You should go alone Avery. Babalikan na lang kita." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Drimmer pero hinayaan ko na rin siya pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Meet The Royalties
Teen FictionAnother school, another life's chapter. That follows Avery's journey on meeting the school royalties. [UNDER REVISION]