Chapter 21 - POV'S

7.9K 198 7
                                    

NOTE: REVISED. Editing and grammar check will follow.

Avery's POV

Hila-hila ko yung maleta ko papasok sa airport. Kanada hirap pa akong buhatin iyo papasok sa scanner. Ang dami kasing habilin nila Drimmer at Maurine. Kesyo magdala daw ako ng ganito ganiyan, at ako naman si uto-uto dinala nga yung mga request nila.

Na pwede naman kasing bilhin doon!

Nakita ko kaagad sila sa waiting area. Agad akong lumapit. Nauna na yung ibang regular students sa amin. Sa Class A kasi ang sakay naming mga royalties. Isa sa mga pribilehiyong nakadikit sa label namin.

"Avery tabi tayong tatlo nila Mau sa upuan."

"Paanong magtatabi eh dalawahan lang yung upuan don?" Napaisip namna si Drimmer. Minsan talaga ang witty witty niya.

"Kandong na lang!" Tiningnan namna siya ni Maurine na parang nababaliw na ito. "Edi kakandong na lang ako kay Spade!"

"No way!" At nandito na pala ang Spadeybabe ni Drimmer. Hindi ko alam dito kay Spade kung bakit ang akto niya kay Drimmer ay para itong may nakakahawang sakit.

"Wala na bang kulang?" Tanong naman ni Phillo.

"Si Neon wala pa." Sagot ni Kiel.

Iwan na 'yon! Joke!

"Malaki na yung taong yun alam niya na kung paano mayboard sa eroplano. Tara na at naghihintay na yung mga chix na stewardess doon." At humagalpak pa ng tawa ang ugok na si Zero.

Narinig ko naman ang pagismid ni Maurine. Ang sarap nilang iumpog na dalawa. Napaka indenial.

Nanguna si Kiel papunta sa exit kung saan sasakay kami ng shutte para makalapit sa eroplano. Katabi ko ngayon si Raven pero mukhang may malalim itong iniisip kaya hindi ko na ginulo.

"Sila Zyrene nga pala?" Tanong ko sa mga ito. Nakakapagtaka labg at hindi namin kasabay ang tatlo.

"Kanina pa nanguna. Alam mo naman 'yon ayaw maghintay. Mauna na siya at paliparin niya na yung eroplano." Sagot ni Maurine. Natawa na lang ako.  "At ikaw sinong tinatawagan mo?"

Napatingin naman ako kay Zero.

"Bakit babe selos ka? 'wag kang magalala past time ko lang 'tong mga 'to. Ikaw pa rin ang uuwian ko." Baliw! Isa siyang dakilang baliw!

Nakita ko naman ang pag-uusok ng ilong ni Maurine at binato nito ang hawak na guidebook sa mukha ni Zero.

"Lagi mo na lang akong sinasaktan. Ganiyan ka ba talaga magmahal?" Madrama pa nitong akto. "Ayos lang Maurine. Martyr ako sa'yo. Iyong-iyo ang katawan ko."

"Mandiri ka nga!" At kung may maibabato pa si Maurine ay siguradong ibabato niya na naman iyon sa mukha ni Zero.

Ang korni korni nitong bokyang 'to.

"Samantalang nahalikan na kita. Nandidiri ka pa rin sa akin." At nagkrukru sa paligid. Napatingin kaming lahat kay Maurine.

"Uh-oh. Big revelation 'yon!" Sigaw ni Drimmer.

"Nakaw 'yon! Grade five pa kami non! Grade five pa lang kami manyak na 'yan! Bwisit ka bokya!"

"Well, grade five pa lang tayo ang lakas na ng tama ko sa'yo."

At naging open book tuloy ang kwento ng dalawa sa amin. Hindi sila tumigil at patuloy lang ang bangayan.

Nakarating kami sa eroplano at dumiretso na papunta sa loob. Walang assigned seat kaya kahit saan ka umupo. Nandoon na nga sa loob sila Zyrene. Tahimik itong nakikinig ng kung ano sa ipod niya. Nagmemake-up naman si Ashley. At nakatingin lang sa bintana si Minji.

Meet The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon