Chapter 19 - Hint

8.5K 216 8
                                    

NOTE: REVISED. Editing and grammar check will follow.

Avery's POV

Nakatulala ako habang papasok sa school. Nagpapasalamat na lang din ako at walang highway kundi nahit and run na talaga ako. Bakit ako tulala? Hindi dahil kay Neon. Huwag kayong ano diyan.

Tulala ako dahil maiksi ang naging tulog ko. Wala naman akong iniisip pero hindi ko talaga magawang mapikit ang mata ko kagabi. Kaya ito ako ngayon bangag. Lutang. Wala sa sarili.

Pero isa pa rin 'yan si Neon. Gusto kong isisi sa kaniya kung bakit ako 'di nakatulog kagabi pero ano ba namang ginawa ng tao? Wala naman maliban lang sa pagsasabi niya ng mga salita na nakakapanlambot ng tuhod ng kung sino man.

Nang dumiretso ako sa classroom ay may kaniya-kaniya na silang ginagawa. As usual petiks kami. Katatapos lang din kasi ng school festival. Haggardo versoza pa lahat magibg ang mga faculties.

Kakaupo ko pa lang sa isa sa mga bakanteng single sofa nang dunating si Ashley na ngiting-ngiti. "I have a very important announcement to make!"

"Spill. But before that lower down your voice." Mahinahong sabi ni Kiel. Oo nga naman kailangan ba talagang sumigaw?

Unubo-ubo muna si Ashley bago nagsalita. "Tuloy ang field trip. I mean travel trip!"

"Okay. Not really fun to hear aside from having an excuse to study." Sabi pa ni Maurine. "At bakit napakaexcited mo Ashley? Parang first time mo namang sasakay ng eroplano."

"Ang KJ mo Maurine. Palibhasa pig brain!"

Pig brain? May ganoon bang term?

"Baka bird brain Ashley." Singit ni Drimmer.

"Parehas lang 'yon! Pareho lang silang hayop." Ay hindi ko kinaya yung parehong hayop. Napakalayo naman ng lahi ng mga baboy sa lahi ng nga ibon.

"By the way kailan?" Tumingin siya sa akin.

"Bukas." Kalmante nitong sabi. Mukhang nagimbal naman ang lahat sa anunsyo.

"Bukas?" Kahit ako ay napasabay kaila Maurine ng sabihin 'yon. Niloloko ba nila kami. Bukas talaga agad? Parang kabilang kanto lang yung pupuntahan namin ah.

Pero teka baka sa kanto lang talaga. Saan nga ba?

"And isa pa, As I heard eh sa Italy daw tayo ngayon. So be sure to check your passports people. Mahirap na at baka 'di pa kayo makasama. Ay mali required pa lang sumama. Oh that's all babye!"

Umalis na si Ashley at parang bumalik naman ang lahat sa normal.

"Tara na Avery," sabay hila sakin ni Maurine

Nagtataka ko naman silang tiningnan. "Saan naman tayo pupunta?"

Pinamaywangan namna ako ni Maurine. "Really tinatanong pa ba yan Abe? Siyempre magshoshopping!"

Magsoshopping eh may klase kami. Hindi naman sa GC ako pero medyo pinaprioritize ko lang yung pag-aaral ko. Hindi naman kasi ako kasing henyo nila Maurine o Drimmer. At maniwala kayo't sa hindi, Zyrene is the highest scorer out of all of us. Pumapangalawa si Kiel at sinundan ng dalawang kambal tuko. Nakakagulat 'di ba?

Ako rin nagulat nung makita ko yung test results. Matataas naman kaming lahat. Scratch, ako pinakamababa pero mataas pa rin.

"Ayokong magcutting."

"Sino nagsabing magkacutting tayo?" Sabi pa ni Drimmer. "Wala ng klase. Katetext lang sa akin ni Sir Lee."

Ang taray naman pala ni Drimmer at katextmate si Sir Lee.

Meet The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon