Note: REVISED. Editing and grammar check will follow.
----
Nandito ako ngayon sa labas ng condominium building. Hindi pa naman tirik ang araw pero naghehello na ang liwanag sa akin. At kung bakit ako nandito ay dahil sa mga taong paparating.
Mula sa bintana ng limousine ay nakasungaw ang pagmumukha ni Drimmer at masiglang kumakaway.
"Avery!" Agad naman akong napangiti.
Ang usapan kasi, mali ang sabi nila Maurine ay susunduin nila ako. Sa una ay tinangihan ko dahil hello naman nakakahiyang makisabay sa kanila. At parang kay bago ko pa lang para magpakafeeling close sa kanila. Pero tinakot ako ni Drimmer na pag 'di daw ako sumama ay ipapalapa niya daw ako sa bulldog nila. Pinakita niya pa nga ang picture ng nakabusangot na aso. Natinag naman ako dahil baka totohanin niya. Kahit malaanghel ang mukha ni Drimmer ay hindi ko pa naman siya lubos na kilala.
"Tara na girl." sabay bukas niya ng pintuan.
Napatigil naman ako ng makita kung sino ang mga nasa loob. Ang akala ko naman ay kaming tatlo lang nila Drimmer. Kasama rin pala sila
Spade, Phillo, Zero, Kiel at Neon unggoy."Pasok na Abe!" Muwestra ni Maurine kaya pumasok na rin ako at kung sinuswerte ka nga naman oh. Talagang sa tabi lang ni unggoy ang bakanteng upuan.
No choice ako dahil parang nakasuper glue na si Kiel sa kinauupuan niya habang hawak ang isang astronomy book. Nakakahiya namang pausurin ko siya. Siya kasi yung katabi ni Neon. Umupo ako sa tabi nito na hindi siya nililingon.
"Good morning Floor kisser." I look at him annoyed.
"Bad morning Unggoy."
Mukhang hindi naman siya natinag at nahintakutan pa ako ng ngumiti siya sa akin. Nagulat pa ako ng ilagay niya ang dalawa niyang daliri sa magkabiling gilid ng labi ko at inistretch iyon.
Asdfghjkl!
"Then smile. That will make your day."
Agad ko namang hinawi ang kamay niya. Kinikilabutan ako na ano. Hindi ko maexplain. Nakadroga ba siya?
"Are you on drugs?"
"No. Definitely not." Tiningnan ko naman siya ng hindi makapaniwala. Mukhang nakuha naman nito ang reaksyon ko at pinat niya niya na lang ulo ko sabay gulo ng buhok ko na agad kong ikinaatras.
Napalingon naman ako sa paligid dahil nakalimutan kong hindi lang pala kami ang tao sa loob.
"So guys... may gusto ba kayong ikwento sa amin?" makahulugang tanong ni Maurine. Hindi ko gusto ang iniisip niya.
"Wala! Wala talaga!" At mukha akong defensive sa pagsagot ko niyan. Bigla namang tumawa yung nasa gilid ko na ikinalingon ko sa kaniya.
"Your reaction is off. You look like a criminal being accused."
Inirapan ko lang siya na hindi naman nakaapekto sa kaniya.
"That's a genuine laugh Neon. Hindi pa kita nakikitang ganiyang kasaya ulit." Puna ni Drimmer. "Though you look like a retard."
Napangisi naman ako.
"You're a retard bro!" Phillo and Zero said in unison.
"Huwag kang magalit sa amin. Inulit lang namin yung sinabi ni Drimmer!" Protesta ni Zero. Tiningnan kasi sila ng masama ni Neon.
"In love ang loko." Nakangising puna ni Spade.
"Fuck you!" Asar na sagot ni Neon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa naririnig.
BINABASA MO ANG
Meet The Royalties
Teen FictionAnother school, another life's chapter. That follows Avery's journey on meeting the school royalties. [UNDER REVISION]