Chpater 7 - Preparation

11.8K 289 3
                                    

Note: REVISED. Editing and grammar check will follow.

----

Sobrang naging peaceful ang araw ko ngayon walang nanggugulo, walang nanunukso as in tahimik sana ganito na lang palagi. Yung walang eepal.

Siyempre joke lang 'yon dahil kabaliktaran ang nangyayari ngayon.

Gusto ko nang maglagay ng earplugs sa tainga ko dahil simula nang dumating kami rito sa room ay hindi na kami tinigilan ng tukso lalo na ni Phillo at Zero. At isa pang nakakainis ay hindi iyon kinokontra ni Neon.

Nagpapasalamat na lang ako at tumatahimik pagnagkakaklase. At ngayon nga ay last subject na namin para sa araw na 'to.

Advance teaching ang mayroon sa amin at talagang napasok ang mga teachers. Hindi late at hindi rin sila sumosobra sa oras nang pagtuturo.

Pumasok na yung last subject teacher namin at yung subject lang naman ay ang nakakadugong Mathematics. I love all the subjects they offered aside from Math. Mahina ako sa number at literal kung sumakit ang ulo ko lalo na kapag kaharap ko na si x and y.

Nagtetext lang sila Phillo at Zero. Sila Maurine naman at Drimmer ay nagtetake down notes. Sila Zyrene, Minji, at Ashley ay nagcutting after ng lunch. Si Spade at Kiel dibdiban kung makinig. Samantalang si Raven ay may nakapasak na earphone sa tenga. Si Neon naman ay may kausap atang imaginary friend sa harap dahil wagas kung makangiti. Ako, ito nagmamatiyag lang.

Huwag niyo akong asahang makinig. Magpapaturo na lang ako kaila Drimmer bukas.

Sakto namang matatapos na ang klase nang pumasok ang homeroom teacher namin.

"Students, so you all know that this month is the month of preparation for the school festival. Every year naman tayo nagpeprepare ng magarbong booth so my expectation this time is higher than the previous. Can you possibly do that?" Parang napipilitan naman silang tumango. "So I'm done here. For further questions you know where I'm at. So class dismissed."

Nang makalabas na ang homeroom teacher namin ay nagbuntunghiningahan sila ng malalalim.

"School festival sucks!" reklamo kaagad ni Drimmer.

"Bakit naman? I think it's fun." I remembered our school festival in Paris. Masaya ang event na 'yon.

"Ano girl syempre preparations and eklabush. Nakakasayang ng oras. At isa pa 'yon dapat ang free time namin ni Spade para maglandiin." Suhestiyon ni Drimmer.

"Ang saya kaya non! We will win again this year." Determinadong sagot ni Maurine.

"I guess so kasi ang school festival namin dati sa Paris sobrang masaya kaya feeling ko masaya rin ang festival na yun dito." Pagsangayon ko

"So any idea guys?"

"How about sex booth?" sabi yan ni Phillo ungas kapervertan talaga nito. Tiningnan lang namin syang lahat ng masama pero lang kay Zero na mukhang sangayon pa ata sa naisip ng kambal tuko niya.

"Eh kung kiss booth na lang kaya tapos kami ni Phillo ang hahalik sa mga girls." Masamang tingin namna ang binato sa kaniya ni Maurine.

"Gusto mong masapak yang mukha mo Bokya?" inis na suhestiuon ni Maurine kay Zero.

"Kaw naman babes sabi ko nga para sayo lang tong kissable lips ko eh." Pero nagtatago na ito sa likod ni Phillo.

"Eh kung horror booth kaya para sa festival para maagang paholloween?" sagot ni Spade.

"Oo tama yan Spade para pagsaloob tayo libre chansing ko na sayo!" si Drimmer habang kumikinang-kinang pa ang mga mata.

"Wag na lang pala baka di na ko virgin paglabas." Nagtawanan kami sa sinabi ni Spade si Drimmer naman sumimangot.

Meet The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon