Chapter 22 - Search

7.6K 198 4
                                    

NOTE: REVISED. Editing and grammar check will follow.

Avery's POV

Mga ilang minuto lang ay nagising na rin si Raven. Nginitian ko siya at nginitian niya naman akong balik. Inshort nagngitian kami. Pagpukol namna ng atrnsyon niya kay Neon ay nag-iba ang ekspresyon niya.

Naging matalas ang tingin nito rito. Parang tipong gusto niya itong sapakin. Aba kung may galit sila sa isa't-isa 'wag nila akong idamay!

Tumayo ako sa upuan ko.

"Where are you going?" At sabay pa talaga silang dalawa na nagsabi non.

"Samahan na kita." Sabay ulit sila. Anong meron at ganiyan sila kung umakto?

"Seriously, sasamahan niyo pa ako sa banyo?" Mukhang napaisip ang dalawa. Mga baliw. Ang lapit-lapit lang ng banyo para namang may mangyayari sa akin pagpumunta ako doon.

Hindi ko na sila hinintay sumagit at naglakad na papunta roon.

Nasa kalagitnaan pa pang ako ng biglang umuga ang eroplano. The heck? Agad akong napahawak sa pinakamalapit na upuan. Hindi ito normal na pag-alog. Anong nangyayari?

"Shit! Anong meron?" Siga wmula kung saan. Mukhang sa boses ay kay Zero iyon.

Nagsialisto namna ang mga stewardess at kinakalma kaming lahat. Hinila ako ni Neon pabalik sa upuan namin.

"Ma'am, Sir huminahon po tayo. Pakikuha po yung mga life vest at parachute sa compartment katulad po sa ininstruction. Pakisuot po dahil kailangan po nating bumaba mula sa eroplano."

"Anong nangyayari Ms.?" Galit na natanong ni Raven.

"Nagkaproblema po sa makina." Napapikit ito dahil muli na namang umuga ng malkas yung eroplano. "Magcacrash po ang eroplano. Pinipilit pa pong isalba ng piloto pero mas mabuti ng makalabas po tayo bago po mapahamak ang lahat."

Shit! Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot. Kailangan na naming makababa!

Isang malakas na paggalaw na naman. Naging alisto na ang lahat. Ang mga steward ay pumwesto sa labasan kung saan nakabukas na yung pintuan.

Hindi ganoon kalapit ang pagitan ng eroplano sa lupa. Pwede kaming mamatay kung hindi kami makakatalon ng ayos.

Nanginginig ako. Natatakot. Ayokong matapos lang ang buhay ko sa ganito.

Nauna na ang iba sa pagtalon.

"Wag kang bibitaw sa akin." Mahigpit ang naging hawak ni Neon sa kamay ko. Wala na akong naiintindihan pa. Ang alam ko ay kailangan naming makaligtas lahat. Wala dapat na mapahamak.

"Oh god! Oh god!" Naghihysteria ng sigaw ni Ashley.

"I can't see anything!" sigaw din ni Drimmer.

Nawalan na ng ilaw ang eroplano. Nagtatakbuhan na ang lahat makalabas lang. Wala na akong masyadong maintindihan. Lahat ay magulo.

"N-neon." Tumingin ako sa kaniya. Hindi sya sumagot pero mas hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko.

"Kailangan niyo na pong tumalon Sir."
Kami na lang ang nahuhuli. Wala na ang iba. Tiningnan ko kung gaano kataas ang tatalunan namin. Napaatras ako.

"A-ayoko Neon. N-natatakot ako."

Tumingin siya sa akin ng malumanay. "I'm here. You don't have yo be afraid. Humawak ka lang sa akin."

Tumango-tango ako. Pinikit ko ang mata ko at sa isang iglap nakatalon na kami. Akala ko ay ayos na ang lahat. Akala ko ligtas na kami pero...

"Shit! Yung parachute! Fuck!" Pinilit ko tin yung akin pero hindi. Hindi rin bumukas.

Meet The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon