Avery's POV
Parang de javu ang lahat habang nakatingin ako sa matayog na gate ng univeristy na papasukan ko. Hiniling ko sa mga magulang ko na sa Pilipinas pa rin ako pumasok. Hindi naman sila kumontra dahil gusto masolo ng mga magulang ko ang bahay. Gusto pa raw nila ng isang anak.
Pakiexplain kung paano magkakaanak kung wala ka ng matres? Mga magulang ko talaga oh.
Inayos ko ang suot kong uniform. Parang hindi na ako sanay pumasok dumaan lang ang bakasyon.
"Pass po." Pinakita ko naman 'yong ID ko at pinapasok na ako sa loob.
Hindi ko naman inaasahan ang dagsa ng mga estudyante na humilera sa tabi ng daanan kung saan nagpapasukan ang mga kotse.
Teka lang. Bakit pamilyar na pamilyar sa akin ito?
Nakatingin lang ako sa gate ng dumating ang mga mamahaling sasakyan. Tumigil ang mga ito at isa-isang nagsiibisan ang mga nasa loob. Hindi naman kaagad ako nakakilos at nasama ako sa tulukan ng mga tao.
The next think I know, nakakapikit ako sa pants ng kung sino. Pag-angat ko ng tingin ay mata niya agad ang nasalubong ko.
Seryoso siyang nakatingin sa akin at walang sabi-sabing yumuko rin siya para magtapat kaming dalawa. Isang nakakalokong ngiti ang umukit sa labi nito. Napasinghap ang mga tao sa paligid.
Oh holly molly!
"Hi babe." Sabi pa nito at walang babalang hinalikan ako nito sa pisngi. Aba't... tinawag niya ba akong babe? Babe talaga? At wait hinalikan niya ako sa pisngi!
"Oh tama na landian. Ang aga-aga oh!" Sabat ni Zero.
Tumayo si Neon at tinulungan niya rin akong makatayo. Nilibot ko naman ang paningin ko para makita rin ang iba.
"Takte kambal kinagat ako ng antik!" Malakas na reklamo ni Phillo.
"Inarte mo!" Kurot naman ni Spade rito.
Yung mga tao naman sa paligid parang tuwang-tuwa sa natutunghayan nila.
Here we are all again. Sabihin na nating marami ngang nangyari sa amin. Pero heto pa rin kami magkakasama. Magkakaiba man kami ng kurso, sinigurado naman nilang nasa iisang university lang kami papasok. Till death do us part nga raw kaming lahat.
Nakakalungkot lang na hindi namin kasama si Zyrene sa pagtahak ng landas na 'to. But soon we will be on the same track again. Alam kong darating din ang araw na 'yon.
"Why are you smiling?" Naglalakad na kaming lahat papasok sa kaniya-kaniya naming room. "Because of me?"
"Feeling." At kinurot ko pa siya sa tagiliran. "I'm just happy na magkakasama pa rin tayong lahat."
Tumango naman ito. "And it will be happier if you'll accept me to be your boyfriend."
"Wow maisingit lang." Tatawa-tawa kong saad.
"What call sign should we use? Babe, honey, sweetheart, honeybunch, love, baby, asawa ko, tart, bebe, mahal, What?"
"Lahat korni!" Hindi ko maiwasang matawa sa pagsimangot nito. "Just call me by name. It sounds sweeter."
Parang may sayad naman itong biglang ngumiti at tumango-tango paulit-ulit.
"Harutan ng harutan kayong dalawa! Magkiss na lang nga kayo para matapos na!" Ang sigaw ulit ni Phillo. Napalingon naman kaming dalawa sa mga ito na nakabuntot sa likuran namin.
"They said we should kiss." Kaswal na saad nito na parang araw-araw namin 'yong ginagawa. Hindi ko pa nga siya sinasagot eh!
"And I said no." Tumigil ako dahil nakarating na kami sa building kung saan 'yong room ko. "Bye sa inyo!"
Kumaway naman ang iba pero si Neon nanatili lang doon. Lumapit ito sa akin na parang may sasabihin pero bago pa siya magsalita may tumulak sa kaniya at naglapat ang labi naming dalawa.
The hell?
Agad akong kumalas at sinamaan ng tingin ang salarin. Phillo! Tatawa tawa naman itong humabol sa iba.
Pagbaling ko ng tingin kay Neon ay nakasilay na ang ngiti nito. Tatalikod na sana ito ng pigilan ko siya.
Bakit ko pa nga ba papatagalin? Halos limang buwan na siyang nanliligaw. At alam kong siya na talaga. Siya na si Mr right. Lakas makakim chiu.
"Oo na."
"Huh?" Sa mga panahong ganito ay hindi kailangan ang kaslowan niya.
"Sinasagot na kita." Parang natanga naman ito sa sinabi ko at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Kailangan ko pang magsnap sa harap niya bago siya kumibo.
"You are not joking? You should not be joking. Goodness!" At walang babalang niyakap ako nito.
Kung masaya siya ay masaya rin ako.
"At last Avery!" At siguro dala na rin ng sitwasyon at ng kasiyahan niya, hinalikan niya muli ako sa labi.
Wait.
Syempre hindi na ako aangal. Choosy pa ba ako? Inarte pa ba? Hindi na no!
"PDA kayo!" Sigaw naman ng mga loko naming kaibigan. Agad akong humiwalay kay Neon at doon lang ako tinablan ng hiya.
Nandoon pa rin pala ang mga ito at nakangiti silang lahat sa amin. Nagthumbs up si Neon sa mga ito na nakangiti na ng nkakaloko. Siniko ko nga.
"Next ... home run na!" Sigaw ni Phillo na nakatangap ng hindi mabilang na batok mula kaila Spade at Zero.
----
AUTHOR'S NOTE:
Okay hindi ko inaasahang kailangan kong gumawa ng seperate chapter para sa epilogue. Sumobra kasi sa haba yung last part noong nirerevise ko kahapon. So 'yon gustong humingi ng pasensya sa mga nakabasa na. Sa mga magbabasa pa lang, enjoy! Hahaha.
Last 2012 ko pa to sinulat. Hindi ko 'to natapos agad. Nagback read ako tapos narealize kong kailangan kong irevise. Naisip ko naman na 'di kailangang sobrang ayos ng revision as long na mas comfortable na siyang basahin dahil wala ng emoticon at kyaaa at huhuhu sa nababasa ng mga readers.
Kung dissapointed pa rin after ng revision, wala na akong magagawa roon. Hindi ko kayang iperfect ang pagrerevise nito. Hihingi ulit ako ng paumanhin sa grammars at typographical errors. So yeah! Salamat sa mga bumabasa nito. Hugs and kisses pips! Mwuah~ ^3~
BINABASA MO ANG
Meet The Royalties
Dla nastolatkówAnother school, another life's chapter. That follows Avery's journey on meeting the school royalties. [UNDER REVISION]