Chapter 4 - Epal

13.4K 314 4
                                    

Note: REVISED. Editing and grammar check will follow.

---

Naging tahimik bigla ang paligid. Nagsalubong ang mata namin ng lalaki. Hindi ko mapigilang pangilabutan.

"R-raven! Ano kakampihan mo rin siya?" Galit pa rin si Zyrene ngunit hindi kasing galit kanina.

"Bakit gusto mo bang sa'yo ako kumampi?" Lumakad ito papalapit sa babae. Napaatras naman si Zyrene. "Don't lay a finger on anyone. You are one of the royalties yet your attitude sucks."

Namutla naman si Zyrene sa sinabi nito. "Fine! Magsisisi kayong lahat na kinampihan niyo yang babaeng 'yan! Tandaan niyo magsisisi kayo!" At padabog kami nitong tinalikuran.

"Wait Zy hintayin mo kami!" sabi ng dalawa nitong kasama. At tuluyan na ring umalis ang mga ito.

"Salamat."

Tumango naman ito at agad akong nilagpasan.

"Raven eksakto dating mo pre!" Parang bumalik naman ang lahat sa normal. Hinila ako paupo ni Maurine sa tabi nito.

"Oo nga minsan talaga para kang kabute." Dinagukan pa nito yung lalaking nagngangalang Raven. "By the way, remember her? Siya yung babaeng may crush kay Neon. Avery is her name."

Agad naman naniningkit ang mata ko sa sinabi niyang crush. Sinong may crush? Ako? Kanino? Doon sa unggoy? Neknek niya!

Ipagtatangol ko na sana ang sarili ng humarap sa akin si Drimmer.

"Avery sorry! Sorry talaga at ganoon pa ang nangyari. Wag mo na lang siyang pansinin. Mas maganda ka doon!" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"No worries. Ako ang sasabunot sa kakaplantsa na buhok ng bruhildang 'yon. Kahit kailan napakaepal niya!" Dagdag pa ni Maurine.

"Salamat sa inyong lahat." I smiled sincerely.

Nawala lang ang isip namin sa sitwasyon ng may magapir mula sa aming likuran. Kung hindi ako nagkakamali si Spade at Kiel iyon.

Lumapit si Maurine sa dalawa sabay pinagbabatukan.

"Really? Naglalaro lang kayong dalawa. Hindi kayo tumulong kanina."

"Spade is just being considerate, I guess? Di ba babe?" dagdag ni Drimmer.

"They aren't!" Maurine is fuming mad. Agad naman akong pumagitan. Katatapos lang ng isa ito na naman.

"It's done. Ano pang matutulong namin?" Napabuntunghininga na lamang si Maurine ng malalim.

Tumango naman si Kiel.

"Case closed?" Hindi naman na nagkaroon ng argumento at nagkanya-kaniya na kaming balik sa mga upuan.

Lumapit namna sa akin si Raven. I guess I'm right with his name. "Want to go outside?"

Natameme naman ako. Hindi niya hinintay ang sagot ko at sinama na ako palabas.

Narinig ko pa ang pagpigil nila Drimmer at Maurine sa amin bago tuluyang sumara ang pinto.

"San ba tayo pupunta?" hindi ko maiwasang magtanong.

"Somewhere peaceful." Peaceful? Langit ganoon ba? Papatayin niya ba ako? Oh hindi! Agad naman akong dumistansya.

"Where is it, really?" Mukhang nakuha naman nito ang reaksyon ko at agad napangiti.

Oh goodness! He's super duper handsome. Take note more handsome when he smiles. Dapat lagi na lang siyang nakangiti.

"I'm kidding." He then wrapped his arm around my shoulder.

"Ahm... " tiningnan niya naman ako pero hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Namental block ako!

Meet The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon