Chapter 5 (How I met him..)

5.2K 76 2
                                    


"Hi. You look familiar, have we met before?" she typed and hit the enter button.

Pinagmasdan niya ang picture ng lalaking si-nendan niya ng mensahe. Her other prospect. His name is Matt Erickson. Twenty three years old. Currently residing at Brampton, Ontario. He finished his college degree at Liaison College Brampton. The culinary Arts School of Ontario. "Hmmm... So he's a Chef. Working at Markland Wood Golf Club.."

Ang simple lang ng lalaki na kaniyang tinitingnan. Nakasuot ito ng polo shirt na blue sa display picture nito at may suot itong salamin sa mata. Chubby ito pero mukha namang gwapo. Kahit nakaupo ito sa picture mahahalata na matangkad din ito. Hindi niya kasi makita ng maayos dahil mediyo blur ang picture na gamit nito. Saka iisa lang ang na-view niya na picture. Siguro kasi hindi pa sila friends.

Nang wala na siyang makitang ibang pictures nito ay ibang facebook account naman ang tiningnan niya. She did the same. Mi-nessage niya ang mga ito and pretended na pamilyar nga silang lahat sa kaniya.

Ang purpose niya ng pagse-send ng messages sa mga ito ay para makuha ang kanilang atensiyon. Balak kasi niyang alukin ang mga ito ng bakasyon. Bakasyon papuntang isla ng Cuba, Mexico. Ang target market kasi nila ay ang bansang US, UK at Canada. Sa ngayon ay naka focus muna siya sa mga lugar sa Canada dahil iyon kasi ang main market nila.

Yes, it was like a telemarketing. Sem break kasi nila kaya naman naghanap siya ng mapapagkaabalahan sa loob ng halos isang buwan. Sa school kasi na pinapasukan niya isang buwan palagi kung magbigay ng sem break. Siyempre pabor iyon sa kanilang mga estudiyante.

Wala siyang maisip na lugar na puntahan. Kagagaling lang kasi niya sa Paris last week kasama ang best friend niya. At wala siyang gana na maggala sa ngayon. She wanted to just stay at home. Maybe she's just bored and tired.

Nadiskubre niya ang bagay na iyon nang minsan na makakwentuhan niya ang isa niyang kaibigan na si Jane, nabanggit nito ang palagi nitong ginagawa kada vacation sila. May part time job ito sa isang BPO company kung saan bakasyon ang produkto. Ang sabi nito sa kaniya, madali lang daw kasi magbebenta lang naman ng bakasyon. Mayroong mga tatawagang tao at aalukin nila. Parang travel agency. Kapag nakabenta ka at na-hit mo ang target, kapag naka- quota komisyon ang kapalit noon. Her friend is a telemarketer. Home based ito.

Scholar student kasi si Jane kaya naiintindihan niya na nangangailangan ito ng dagdag kita para sa susunod na semester. Pero sa katulad niya na mayaman na. Bakit pa ba siya maghahabol ng quota?

It gets her interest ng sabihin nito sa kaniya na gumagamit ito ng ibang facebook account para mapabili ang mga clients nito. Modelo daw ang ginagamit nitong front liner na kunwari ay siya para makuha nito ang pansin ng mga prospect niya. Kapag nakapalagayang loob na, saka nito bebentahan. Marami pa itong nai-kwento tungkol sa trabaho nito. Kaya ang resulta, heto at gumawa nadin siya ng sarili niyang dummy account.

Sinabihan siya nito na huwag niyang gagamitin ang sarili niyang mukha para nadin sa proteksiyon niya. Kaya naman naghanap siya ng ibang mukha na pwede niyang magamit na bilang siya. Ang hinanap niya ay ang mukha na babagay sa personality at sa boses niya. Hindi naman siya nahirapang maghanap ng ipo-portrait niyang siya.

She's just after the experience. Na-curious kasi siya sa kung paano niya gagawin ang makabenta sa tulong ng dummy account niya. Once she gets her sale, aayaw na kaagad siya.

Madali lang naman ang ginagawa ni Jane. Mag-a-add lang ito ng friend sa dummy nito pagkatapos ay i-me-message nito. Sunod noon kapag nag-reply na ang mi-nessage nito, that would be the start of their conversation. Wala namang problema sa kaniya ang pakikipag-usap. Doon nga siya magaling. She used to deal with different people especially when it comes to business. Nakikipag-usap nadin naman kasi siya sa mga business partners ng Daddy at Mommy niya.

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon