Chapter 20 (Lost in your arms Part 1)

3.7K 74 7
                                    

..
Nang matapos siyang makapagbihis ay lumabas siya at dumiretso sa kusina. Tuyong tuyo kasi ang lalamunan niya at pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya. Salamat sa malamig na tubig na nagmula sa dutsa dahil kahit papaano ay nabawasan ang kaniyang pagkahilo ngunit alam niyang nandoon parin ang tama ng alak sa kaniyang katawan.

Pagdating niya sa kusina ay kumuha siya ng baso at dumiretso sa ref. Halos nakalahati niya ang pitchel na may lamang malamig na tubig. Mayroon siyang nakita na bukas na whisky kaya kinuha niya iyon at nilagyan ang kaniyang baso.

The night is still young and the party is not yet over..

Naglakad siya papunta sa mesa at nagulat siya sa nakita. Tumambad sa kaniya ang dalawang pinggan na prenteng nakaayos sa mesa ganoon narin ang dalawang pares ng kubyertos at ang ulam na niluto nito. Hindi pa pala ito kumakain. Bigla tuloy siyang sinipa ng kaniyang kunsensiya kaya naman pinuntahan niya ito.

Nang nasa tapat na siya ng pintuan nito ay nagtatalo naman ang isip niya. Hindi niya alam kung kakatukin ba ito o hindi.

Ano naman kung hindi pa ito kumakain? Hindi naman niya siguro kasalanan iyon. Nagpunta lang naman siya sa bar. Hindi naman niya dinala ang pagkain nito.

Eh bakit kasi hindi nalang siya umunang kumain?

Napabuntong hininga siya. Sa huli ay iyong pangalawa ang pinili niya. Pinili niyang bumalik na lamang sa kusina at ipagpatuloy ang naudlot niyang pag-iinom. Pero nakakainis dahil hindi ito mawala wala sa isip niya.

"You should eat. Tama na iyang pag-iinom mo." napapiksi siya ng marinig ang baritonong boses nito sa kaniyang likuran.

Inirapan niya ito para hindi ipahalata na nagulat siya sa bigla nitong pagsulpot kung saan. "Bakit hindi ikaw ang kumain? Hindi mo pa nagagalaw ang niluto mo."

Naupo ito sa bakanteng silya sa tapat niya. "I don't like eating alone."

"Okay." umayos siya ng upo. "Let's eat then."

"Not with whisky on my table." kinuha nito ang bote ng iniinom niyang whisky at sa gulat niya ay ibinuhos nito sa lababo ang lahat ng natitirang laman niyon.

"Why did you do that for?!"

"Ayoko na noon. May bawas na."

Inirapan niya ito. "Oh, shut up. Ang dami mong arte. Kumain kana kung kakain ka."

Nagtiim bagang ito. "Why are you like that?" nakasimangot nitong tanong.

"You. Why are you like that?" tanong niya pabalik dito.

"Bakit ganito ako? Bakit ano ba ako?"

"Tao ka."

"Oo nga. Gwapong tao. Eh inaano kaba ng ka-gwapuhan ko?" did he saw him smirk?

"Ewan ko sa iyo!" padabog siyang tumayo at nagmartcha papunta sa kwarto niya. Ngunit hindi siya nito hinayaan kaya hinarangan siya nito.

"Pwede bang huwag mo naman akong awayin."

Napansin niyang namumungay ang mga mata nito. There's something wrong with this man.

"Hindi kita inaano diyan."

Inilagay nito ang isang kamay sa ilalim ng baba. "Bakit ba bigla ka nalang nagsungit? Sa pagkakatanda ko masaya ka naman kanina noong hinalikan kita bago tayo umuwi dito."

Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. "Shut up." tinampal niya ito sa noo ng mapatigil siya.

"Y-you are hot."

Umangat ang gilid ng labi nito. "I know. Matagal ko ng alam."

"Bwisit. I meant it the other way. Mainit ka, nilalagnat ka."

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon