Chapter 11 (The other side of the story)

3.4K 97 6
                                    

This chapter is dedicated to @allytells

happy reading :)

******

"A-ANONG ibig mong sabihin?"

"Nagkakilala kaming dalawa ni Sheena with the help of facebook, and that was five years ago."

"F-facebook? Really, pa'no?", parang hindi niya ata nagugustuhan ang ideyang pumapasok sa isip niya.

"Five years ago nakita ko siya sa facebook.  We have mutual friends so I add her up. Nakipagkaibigan ako sa kanya and she accepted it whole heartedly. She's located in Cuba that time and I was living with my parents in Canada. From then, palagi na kaming magka-chat at mag-kausap sa phone. Napaka-bait niya at napaka-lambing kaya naman hindi ko naiwasan na mapalapit sa kaniya."

Magkahalong pagtataka,  pagkagulat at inis ang bumangon sa dibdib niya. Paanong nangyari na nakilala nito si Sheena nang katulad na katulad ng pagkakakilala niya rito? She was the one who used that script and not Sheena. Hindi niya natatandaan na nanggaling na sa Cuba ang pinsan niya. Kung nagpunta man ito doon,  how come nagpunta ito sa Cuba ng hindi niya alam? Lalong imposible dahil nasa Italy ito.

How come they have the same story?!

Ganoon pa man ay hindi niya ipinahalata sa kaharap ang pagkagulat niya. "Really? That's weird. Hindi ko alam na ang isang Matthew Suarez ay pumapatol sa mga ganiyang bagay. That's a social media, anything can happen. Paano ka naman nakasiguro noon na ang taong nakausap mo sa telepono ay ang totoong mukha sa likod nito?"

She heard him chuckle. "Why would I think na hindi siya ang taong nakakausap ko? But you have a point. Hindi ko na inisip yun, I was occupied back then. Nagkataon na dumating siya. Nagkaroon ako ng masasandalan, nang mapagsasabihan ko ng mga problema at nang sama ng loob sa mundo. Hindi ko pa man siya nakikita sa personal pero nagawa na niyang damayan ako. She was there. Kaya naman kahit kailan ay hindi ko inisip na hindi siya ang taong nasa picture at ibang tao ang nakakausap ko. Kung hindi man siya iyon, she could have told me. Dahil kahit ano paman ang kaniyang dahilan, maiintindihan ko siya. Sana man lang naging honest siya sakin, 'diba? I gave her my trust and I expected her to do the same. Did I make sense, Maggy?"

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng mga oras na iyon kasabay ang panlalamig ng buong katawan niya.  Hindi kaagad siya nakapag-isip ng sasabihin dito. Paano ay nasapul siya nito. Kumbaga sa korte suprema ay mahahatulan siya ng guilty.

Alam rin niya ang pagyayaring iyon sa buhay nito. Of course, alam na alam niya. Kakamatay pa lamang ng ama nito isang buwan bago sila magkakilalang dalawa. Malungkot ito, mag-isa at galit sa mundo ng mga panahong iyon kaya naman nagawa niyang kuhanin ng buo ang loob nito. Siya ang nandoon ng mga oras na kailangan nito ng masasandalan at ng makakausap. Masyadong mahina ang depensa nito ng mga panahon na iyon kaya naman nagawa niya itong paikutin at papaniwalain sa mga sinasabi niya. At napaniwala nga niya ito na siya ang babaeng nakikita nito sa pictures. Kaya kahit minsan ay hindi niya naramdaman na pinagdudahan siya nito.

"Paano mo magagawang manloko at magpaikot ng inosenteng tao gamit ang mukha ng iba?" His very cold stares made her shivered.

"Maybe there's a reason behind." Malamig naman ang simoy ng hangin pero ewan ba niya kung bakit pinagpapawisan siya.

Sumandal ito sa railing at ibinulsa ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito. "Hmmm.. Really? What do you think is the possible reason?"

Damn it. Pagak siyang tumawa. "Now you're asking me. I don't have any idea." Tinanaw niya ang malawak na karagatan. Matagal pa ba kaya bago sila makarating sa sinasabi nitong isla?

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon