Chapter 16

3.4K 88 5
                                    


NANG imulat niya ang mga mata ay ang malamlam na ilaw mula sa lampshade ang bumati sa kaniya.

Napabalikwas siya ng bangon ng makita kung anong oras na. Napahaba pala ang tulog niya. Dahil siguro sa pagod narin at puyat. Hindi kasi siya masyadong nakatulog noong nakaraang gabi tapos ay napaaga pa ang bangon niya kaninang umaga.

Napansin niya na nakakumot na siya at bukas nga ang lampshade sa tabi niya. Si Matt lang naman ang kasama niya doon sa bahay kaya sigurado siyang ito ang nagkumot sa kaniya.

Madilim na sa labas. Nang dumating siya kanina ay maliwanag pa sa paligid ngunit wala pa ito sa bahay.

Bumaba siya ng kama at sumilip sa labas ng kwarto. Maliwanag na sa buong bahay. Siguradong nandoon na nga ito. She heard noises on the kitchen room. He must be cooking.

Doon siya sa bahay nito pinatuloy dahil wala nang bakanteng kwarto pa sa hotel para sa mga guests. At isa pa, ginagawa pa lamang ang ibang buildings ng hotel sa isla. At dahil ito ang member na nagsama sa kaniya dito, sa kaniyang bahay siya nito dinala. Naisip niya na sa bahay ng pinsan niyang si Dale tumuloy ngunit tinanggihan siya nito. Ayon dito ay hindi pa nagagawa ang bahay nito sa isla at duon ito tumutuloy sa hotel room para sa mga club members. Hindi na siya nagreklamo dahil wala na siyang ibang choice. Wala namang naging problema sa kaniya ang pagtuloy sa bahay ni Matthew dahil dalawa naman ang kwarto sa bahay nito at tig-isa nga silang dalawa.

Bumalik siya sa kaniyang silid at nagtungo na siya sa banyo para maligo. Mabuti na lamang at kumpleto sa gamit ang banyo nito.

Habang naliligo ay pumasok sa isip niya ang pagtatalo nila ni Matthew kaninang umaga. Hindi niya maiwasang isipin na baka galit ito sa kaniya.. Teka lang bakit naman ito magagalit eh siya nga itong pinilit siyang magsalita?

Hindi bat nasigawan niya ito kanina?.. And worst, nasabi niya dito ang lahat ng saloobin niya tungkol sa Matt na kilala niya...

Kahit kaunti ba ay wala man lamang  pumasok sa isip nito tungkol sa kanilang dalawa?

Fudge. For Pete's sake, Maggy! Paano ka niya makikilala eh si Sheena nga ang akala niya na ikaw.! Nasabunutan niya ang sarili.

Kanina ay napagdesisyunan na niya sa pangalawa o pangatlong pagkakataon na isantabi ang meron sa kanilang dalawa noon. Na dapat lang naman. Ang mahalaga ay ang ngayon. At meron na siyang naisip na ideya.

Nang makatapos maligo at makapagbihis ay lumabas na siya ng silid para hanapin ito. Isang oversize na t-shirt ang sinuot niya at pinares niya sa shorts na maong. Hindi naman ganoon kaiksi ang short na suot niya kaya hindi nakakailang kumilos. Lalaki parin kasi ang kasama niya sa bahay. Iyon kasi ang una niyang nahagilap sa kaniyang maleta.

Sinundan niya ang mabangong aroma na naaamoy niya mula sa kusina. At presto nandoon nga ang hinahanap niya.

Nakatalikod ito sa kaniya. Pinanghahalo nito ang hawak na sandok habang sumisipol sipol pa ito. Nakasuot lang ito ng sando. Sinundan niya ng tingin ang paggalaw ng muscles sa malapad nitong likod at balikat. At ang mediyo umbok nitong pang-upo. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Maganda pala sa lalaki ang malaki ang pang-upo. Such a wonderful view..

Ano kaya ang pakiramdam ang makulong sa mga bisig nito?

Stop it Maggy! You are being pervert again. Saway niya sa sarili.

Ang bango ng niluluto nito. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Naalala niya, wala pa pala siyang tanghalian.

Gumegewang gewang ang baywang nito noong humarap ito sa direksiyon niya.

"Jesus!" napahawak ito sa sariling dibdib. "Ginulat mo ako." bigla itong napakamot sa batok. "Kanina ka pa ba riyan?"

Umiling siya bilang tugon. Nakagat niya ang ibabang labi. Pigil pigil kasi niya ang mapatawa. Nakakatuwa pala ang mukha nito kapag nagugulat.

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon