Chapter 1

7.9K 141 13
                                    


Nanghihina na napahawak siya sa kaniyang sasakyan at makailang beses na huminga siya ng malalim para kalmahin ang kaniyang sarili.

Napaiyak na lamang siya ng maalala ang nangyari sa kaniya kanina... Muntik nang magtagumpay ang hayup na lalaking iyon sa binalak nitong gawin sa kanya! Mabuti na lamang at mabait parin ang Diyos at nakahanap siya ng paraan upang makatakas sa mga kamay nito...

Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kaba at takot na baka napatay niya ito. Sana naman ay hindi, ayaw niyang mabahiran ng dugo nito ang kaniyang mga kamay..

Pero alam niyang wala siyang kasalanan sa nangyari. She only did that to defend herself!

Napamura siya ng maalalang wala sa kanya ang susi ng kaniyang sasakyan. Her keys are on the bag. Nanghihina na lamang siyang dumausdos paupo sa sahig. Hinaplos niya ang nasaktang pisngi na sa pagkakatanda niya ay makailang beses nitong sinampal kanina. Masakit iyon at nararamdaman na niya ang pamamaga ng bahaging iyon sa kaniyang mukha. Sa sobrang lakas ng sampal na natanggap niya kanina, panigurado na namamasa narin ang pisngi niya.

Ang hayup na lalaking iyon! Hinding hindi niya ito mapapatawad kapag nagkapeklat siya sa kaniyang mukha!

She bit her lower lip. Nahihilo na siya at pakiramdam niya, anumang oras ay bibigay na siya. Inilibot niya ang mga mata sa paligid.

Bakit kaya wala siyang makitang ibang tao sa lugar? Wala pang hating gabi, nakapagtataka naman at wala man lamang kahit isang sekyu ang bantay doon sa lugar.

Nandoon siya sa parking lot ng hotel na pinagdausan ng kanilang event kanina, the more na marami dapat ang bantay sa bahaging ito.

Sa wakas! May narinig siyang tunog ng paparating na sasakyan kaya naman kahit nanghihina, ay pinilit niya ang sarili na tumayo at puntahan ang pinanggagalingan ng tunog. Mukha namang hindi iyon kalayuan sa pwesto niya.

Sa nanlalabo na mga mata, nakita niya na isang lalaki ang umibis mula sa bagong dating na sasakyan. Pinilit niyang maglakad palapit dito pero natumba siya dahil bigla na naman siyang nakaramdam ng pagkahilo. Mabuti na lamang at nakahawak siya sa katabing sasakyan.

"H-help." Halos pabulong na sambit niya. Sana lamang ay narinig siya nito.

Napakabait ng Diyos sa kaniya dahil mukha namang dininig ang kaniyang panalangin, nakita niya na papunta ito ngayon sa direksiyon niya.

"Hey, Miss are you okay?" hinawakan siya nito sa kaniyang mga braso at inalalayan siya nitong makabangon pero nabigo itong itayo siya dahil nang subukan niya ay nanlambot lamang ang kaniyang mga tuhod. Mabuti na lamang at naging maagap ito at nasalo siya.

Sinapo nito ang kanyang pisngi at pilit inaninag ang kaniyang mukha. "God, what happened to you?" nababahalang tanong nito.

Pilit siyang tumunghay para makita ang mukha ng lalaking kaharap. Pakiramdam kasi niya ay pamilyar ang boses nito. Para bang narinig na niya ito dati.... Para bang kilala niya ito..

"H-help me." lumunok siya dahil sa naramdamang panunuyo ng kaniyang lalamunan.

Inalalayan siya ng lalaki na makaupo at isinandal siya nito sa katawan nito. Narinig niya na may kinausap ito saglit sa telepono bago siya nito muling binalingan.

Nararamdaman na niya ang panlalamig ng kaniyang boong katawan. Ang suot niyang magandang damit kanina ay nagmukha nang basahan ngayon. Punit at sira na ang ibang bahagi noon.

Sa nagdidilim niyang paningin, naaninag pa niya na hinubad ng estranghero ang suot nitong coat at ibinalot iyon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay ligtas na siya sa mga bisig ng lalaking estranghero.

Bago tuluyang pumikit ang kaniyang mga mata ay muli niyang sinubukang silipin ang mukha ng lalaking may hawak sa kaniya ngayon.

Her heart beats fast upon seeing his face...

You....impossible..

Pilit niyang inangat ang isang kamay para haplusin ang mukha nito ngunit nagdilim na ang lahat sa kaniya...

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon