Chapter 23 (Sunset)

3.5K 93 11
                                    


Happy belated beerday @ChaChaCM 😊
Yahhoooo ititreat mo ako dava?? 😅😆😄

************************************

"HOW are you, Maggy?"

"O-okay naman po ako. Napatawag ka La?" hindi niya kasi inaasahan na natatawag ito sa kaniya.

"Parang nagulat ka? Bakit hindi ba ako pwedeng tumawag sa iyo?"

Inilayo niya sa tenga ang cellphone dahil sa matinis ang boses ng lola niya at masakit sa tenga. "Ikaw talaga lola, hindi naman po sa ganon."

"Hmp." tingnan mo ang maldita talaga ng lola niya. "So how is it going there? Are you enjoying your vacation?"

"Yes, of course Lola this place is so nice and beautiful! No, it's majestic. You should come down here. I'm pretty sure mare-relax ang mga buto buto mo La." sinundan niya iyon ng tawa.

"Tigilan mo ako Margarette. Wala pa akong rayuma. Malakas pa ang mga buto buto ko."

Kita mo na? Ang maldita diba? "La, wala naman akong sinabi na may rayuma kana." pigil pigil niya ang huwag mapatawa.

"So, how are you and Matt?" pag-iiba nito ng usapan.

"H-huh? Lola, what do you mean kumusta kami?" parang bigla ata siyang pinagpawisan.

"Maggy, what are you thinking? What I meant is, kumusta ang pakikisama ninyo sa isat-isa? Lalo kana, inaaway mo parin ba si Matt? Maging mabait ka sa kaniya kung ayaw mong mawalan ng mamanahin sa akin." tumawa ito sa kabilang linya.

"A-ah, yeah... that." shit, what was she thinking?! "Of course Lola, magkasundo na po kaming dalawa. Ako pa nga ang inaaway niya eh." nilingon niya ang lalaki at sakto naman na nakatingin rin ito sa gawi niya. Kinindatan siya nito and oh boy, nalaglag ata ang walang kalaban laban niyang puso. Ah, wala na. Patay na tayo nito..

"Hmm, talaga lang ha? That's good to hear. Matutuwa ang pinsan mo kapag nalaman niya iyan. Mas maganda na makasundo mo si Matt dahil magiging parte narin siya ng ating pamilya."

Bigla siyang nanlumo. "O-oo nga po."

"O siya I need to go, may pupuntahan pa akong business meeting."

"Okay La, mag-iingat kayo."

"Maggy, mag-iingat karin diyan at huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Matt."

"I won't. Sige na La, bye."

Nanlulumo siyang napaupo. Mabuti na lang at may katabi siyang upuan ng mga sandaling iyon. Nasa veranda kasi siya ng bahay ng kapatid nitong si Tricia. Wala doon ang huli dahil nasa Canada ito kasama ang ina. Doon muna sila mananatili pansamantala habang pinapalitan ang mga nabasag nitong salamin sa bahay. At isa pa para daw mailigaw ang kung sino mang walang magawa na nananakot dito. Hindi rin naman iyon kalayuan sa bahay nito.

"Bakit nandito ka pa? Malamig dito, pumasok kana sa loob." tumabi ito sa kaniya.

"I like it here." nakita niya na nakatitig ito sa kaniya mula sa gilid ng kaniyang mga mata. Pilit niyang nilalabanan ang sarili na lingunin ito.

Tumingala siya at pinagmasdan ang kalangitan. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Napakagandang pagmasdan ng kulay kahel at lila na nagkalat sa kalangitan kung saan malapit ng magtago ang haring araw. Sunset. She really loves sunset and the secrecy behind of it's beauty. It reminds her of him.

"You know what." nakatingin narin ito sa tinitingnan niya.

"I don't know."

"Yeah," ngumiti ito. "I love sunset. It reminds me of my father."

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon