Chapter 2

6.1K 115 3
                                    

"Will she be okay?"

"Yes, she'll be fine. Kanina mo pa tinatanong sa akin 'yan Matt. Goodness!" sagot ng babaeng kausap nito.

Matt??....  May pamilyar na kaba siyang naramdaman sa kaniyang dibdib pagkarinig sa pangalan nito.

"Bakit hindi parin siya gumising hanggang ngayon?"

"Relax. Let her sleep and rest. Bumabawi pa ang katawan niya. Sa dami ng pasa at sugat niya sa katawan, sigurado ako na sobra siyang nanghihina. "

Kapag kuwan ay naramdaman niya ang mainit na palad na humahaplos sa kanyang pisngi. Ah, this feels better. He's so warm.

Hindi ba alam ng mga ito na gising na siya? Saka bakit...bakit parang nahihirapan siyang imulat ang kaniyang mga mata?

"Do you know what happen to this lady? Ninakawan ba siya? Na-kidnap or something?"

"I don't know yet. But it seems, someone attempted to hurt her. Pina-pull up ko na ang CCTV footage last night. I'm just waiting for Leo to report to me. Maganda narin sana kung magigising na siya para masabi niya sa atin ang nangyari."

"Matt, I suggest you let her rest when she wakes up. Don't ask any question. Let her talk first. By the way, do you know her name at least?"

"Her name is Margarette." She heared him chuckled.

"Hmmm. Ohh, wait. What's that on your-. You mean?" Tumahimik ito sandali. "Oh, I see. She has a pretty name like me!" May kalakasang sabi ng kausap ng lalaki.

"Can you tone down your voice? Baka magising siya sa sigaw mo."

"Eh, 'di ba gusto mo nga siyang magising?"

"Not that way." May kasungitan na sagot ng lalaki.

"Arte mo. Affected much?"

"Tricia." May kasungitan na sabi nito sa tinawag nitong Tricia.

Tricia..?

Sa pagnanais niyang makita ang dalawang tao na nag-uusap sa tabihan niya ay sinubukan niyang imulat muli ang kaniyang mga mata ngunit gaya kanina masakit iyon kaya hindi na muna niya pinilit. She couldn't even move her hand to reach for her eyes.

Bakit sobrang sakit ng kaniyang katawan? Nang nagtangka siyang gumalaw ay nakaramdam din siya ng kirot sa kaniyang kalamnan. Pati narin ang kanyang mukha? Ano ba ang nangyari sa kaniya? Nasaan ba siya? At sino ang lalaki at babae na kanina pa nag-uusap sa tabi niya? Narinig niyang binanggit ng lalaki ang kaniyang pangalan.

Maya maya pa ay naulinigan niya ang pagtunog ng telepono sa kaniyang tabi.

"Yes, hello." Napaka baritono ng boses nito.

"Have you got it?" Narinig niyang tanong nito.

"Good. I want to see it myself. I'll be there in a minute." Narinig niya ang paglapat ng telepono sa kaniyang tabi. Naramdaman din niya ang presensiya nito sa tabihan niya.  Kung maimumulat niya lamang sana ang kaniyang mga mata ay makukumporma niya na pinagmamasdan siya nito ng mga sandaling iyon.

Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko?

"Tricia, ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Let me know right away kapag nagising na siya. Attend all her needs okay?"

"Yes Boss!"

"Tricia, less talk alright?"

"Okay."

Naramdaman na naman niya ang pamilyar na init ng palad ng lalaking ito sa kaniyang pisngi.  Napakagaan ng paraan ng paghaplos nito. Para bang ingat na ingat na hindi siya masaktan. At ang amoy nito, sobrang swabe ang dating sa kaniyang ilong. Very masculine.

"She's beautiful, isn't she?"

Hindi niya narinig na sumagot ang lalaki sa kaniyang tabi at ngayon ay mas lalo siyang naintriga na makita at makilala ito.

Mga ilang minuto rin itong nakatayo sa kaniyang tabihan bago niya naramdaman ang paghakbang nito palayo sa kaniya.

"I'll go ahead, bago pa niya ako maabutan dito. Just tell me when she wakes up."

"Okay.. Ahhmm...  Was that Leo who called?"

"Yes." Nagbukas ang pinto.

Walang sagot mula sa babae.

"I'll tell him you miss him." sabi ng lalaki.

"Oh no!!! Oh, wait! I didn't say that! Try to tell him and you're dead!!"

Tumawa ang kausap nitong lalaki bago niya narinig ang paglapat ng pinto.

Ilang sandali ang kaniyang pinalipas bago sinubukang imulat muli ang kaniyang mga mata kahit pakiramdam niya ay ang bigat ng mga ito.  Kumikirot rin kasi ang mga ito sa tuwing nagtataka siyang magmulat.

Sa pangatlong pagkakataon ay nagtagumpay na siya. Tiniis niya ang kirot para maimulat niya ang kaniyang mga mata. Sinalubong siya ng ngiti ng isang napakagandang babae. Ito marahil ang tinawag na Tricia kanina ng lalaki na umalis. Anghel ba ito? Nasa langit naba siya? Ito ba ang susundo sa kaniya?

"Mabuti naman at nagising ka na. kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Do you need anything?"

Sinubukan niyang gumalaw para bumangon. Napangiwi siya ng kumirot ang katawan niya particular ang kanyang tiyan.

"Oh wait, I'll help you." Inalalayan siya nitong makaupo. Nilagyan nito ng unan ang kanyang likuran para maging komportable siya.

Hindi niya maiwasan na titigan ito. Napakaamo ng mukha ng anghel na ito. Napakamabining pagmasdan.

"Salamat." Iginala niya ang kaniyang paningin. Well, sa klase ng disenyo at ayos ng kwartong ito, sigurado siya na wala siya sa hospital. "Where am I?"

"You're in my house." Nakangiti nitong pahayag.

"Y-your house? What am I doing here?"

Napanganga ito. "Oh God! Don't you remember anything? May amnesia ka? Oh, my goodness! Sinasabi ko na nga ba."

Okay, binabawi na niya ang sinabing tahimik ito. Napakadaldal naman ng anghel na ito. Napatawa siya sa naging reaksiyon nito."Natatandaan  ko pa naman kung sino ako. "

Nakahinga ito ng maluwag. "Good, akala ko ay may amnesia ka na." lumapit ito at umupo sa may paanan niya. Nakikita niyang parang nag-aalangan ito.

"Do you remember anything about what happen to you last night, before my brother found you?" inabutan siya nito ng baso ng tubig.

Uminom muna siya ng inabot nitong tubig bago sumagot. "So it's your brother who brought me here."

Ang laki ng ngiti nito. "Yes, he found you last night. Umalis lang siya sandali but he'll be back here. Mas malapit kasi ang bahay ko kaysa sa hospital, kaya dito ka na niya dinala. I'm Tricia, anyway." Inabot nito sa kaniya ang isang kamay nito. "Don't worry, your safe here."

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Thank you Tricia. I'm Margarette. My friends call me Maggy. " hindi niya alam pero magaan ang loob niya sa kaharap.

Parang napaisip ito bigla ng marinig ang pangalan niya. "Maggy, nice meeting you. Oh wait, I'm so sorry. Sa sobrang tuwa ko na nagising ka na, I forgot to ask, are you hungry? May masakit ba sa iyo?"

"Mediyo may nararamdaman akong sakit sa katawan ko. But, I think I'm fine."

"You have a lot of bruises particularly in your face. May mga pasa ka rin sa magkabilang braso mo. I know something really bad happen to you last night."

May inabot ito sa kaniyang telepono.  "You can call your family to inform them. I'll give you my address."

Napabuntong hininga siya at unti unting bumalik sa kaniyang alaala ang nangyari sa kaniya kagabi...

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon