Chapter 25 (Passenger seat)

3.3K 72 5
                                    


Halos magtatakip silim na nang mapagdesisyunan nilang umuwi. Actually, pinilit pa niya ito. Natatakot kasi siya na hindi na sila makauwi dahil baka hindi na nila makita pa ang daan pero nagkamali siya. Mayroong mangilan ngilang poste ng ilaw ang nakatayo sa daraanan nila at automatic na nagbukas ang mga iyon bago pa man tuluyang dumilim.

Muli niyang pinagmasdan ang paligid. Kay ganda pala nito sa gabi. Animo mga alitaptap na kumukuti kutitap ang mga ilaw sa tabi ng talampas. Nilingon niyang muli ang kanilang pinanggalingan. Saksi ito sa pag-sasanib at pag-iisa ng kanilang katawan.

Malayo na sila doon at unti-unti naring dumidilim. Halos tanaw  na niya ang sasakyan nito ng may mapansin siya. Sa tingin niya ay ibang ruta ang kanilang dinaanan pauwi dahil saglit lamang silang naglakad pagkatapos ay narating na nila kaagad ang sasakyan nito sa bukana. Hindi narin sila dumaan sa dinaanan nilang hanging bridge kanina.

Mukhang naisahan ata siya nito. "I can't believe this. Mayroon naman palang mas malapit na daan bakit ang haba ng nilakad natin kanina?"

"Ganoon talaga. Kailangan mong paghirapan sa una bago mo marating ang gusto mong puntahan." kinindatan siya nito.

Make sense. "Whatever." inirapan niya ito ngunit ngitian lang siya ng loko.

Doon sila nito dumiretso sa Wood Golf Club Restaurant na pag-aari nito. Bukod kasi sa local cuisine, nagse-serve rin ang naturang restaurant ng Spanish at Italian cuisine na hilig talaga nitong lutuin. Sigurado siyang magugustuhan ring kumain doon ng kaibigan niyang si Gab. May lahi kasi itong espanyol at hilig din nito ang ganoong pagkain. Makatapos nilang kumain ay dumiretso sila nito sa tabing dagat. Hawak hawak nito ang kaniyang kamay habang naglalakad sila sa maputi at pinong pinong buhangin. Kung may makakakita siguro sa kanila ay iisipin na magkasintahan silang dalawa.

Biglang pumasok sa isip niya ang pinsang si Sheena at bigla ay nakaramdam siya ng bigat sa dibdib. Alam niyang sobra itong masasaktan kapag nalaman nito ang nangyari sa kanilang dalawa ni Matt. Baka nga isumpa pa siya nito. Ano ba 'tong pinasok ko?

Kinagat niya ang ibabang labi at tiningnan niya ang katabi. Parang gusto tuloy niyang pagsisihan ang ginawa. Paanoy nakatingin pala ito sa kaniya kaya naman nahuli siya nito na tumitingin dito. Naramdaman niya kaagad ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Kay lakas lalo ng tibok ng puso niya.

Narinig niyang tumawa ito. "Your blushing."

"Huwag mo kasi akong tingnan ng ganyan."

"Bakit? Paano ba kita tingnan?" huminto ito sa paglalakad kaya napahinto narin siya. Sinapo nito ang kaniyang pisngi at pinaharap siya dito.

"Wala."

Tumaas ang isang kilay nito. "Hmm."

Natatawa na tinampal niya ang mukha nito. Ang totoo kasi niyan ay naiilang siya sa mga titig nito. O mas tamang sabihin na kinikilig siya. Bukod sa gwapo ito, pakiramdam kasi niya ay inaakit siya nito sa bawat tingin. Deym.

Hindi nakaligtas sa kaniya ang pag-angat ng gilid ng labi nito. Alam niyang may tumatakbo nanamang kapilyuhan sa isip nito.

Tumingin siya sa kabilang direksiyon at mariing kinagat ang kaniyang mga labi para pigilan ang kaniyang sarili na mapangiti. Bakit kasi ganito ito kung tumingin sa kaniya? Para siyang tinutunaw.

"Maggy."

Wala sa isip niya na nakangiti parin siya ng lingunin ito. "Yes?"

Ngumiti rin ito sa kaniya. Umangat ang isang kamay nito at hinuli ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tumatabing sa kaniyang mukha saka nito sinipit sa likod ng kaniyang tenga. "Bakit ang ganda mo parin kahit sa gabi?"

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon