Chapter 10 - (Isla Mujeres)

4K 91 14
                                    

---*****

"Maggy. "

Nilingon niya ang katabi niya. "Yes?"

He chuckled. "Are you mad at me?"

"No." Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana.

Yes,  magkasama na silang dalawa ni Matthew. Wala rin naman kasing nagawa ang pag-hindi niya dahil hindi rin naman pumayag ang lola niya sa gusto niya. Ito parin naman ang nasunod.

Nakanguso niyang isinubo ang piraso ng mansanas.

Papunta sila ngayon sa isang beach resort na pag-aari ng mga ito sa Batangas. Ang sasakyan nito ang dinala nila habang ang sasakyan naman niya ay naiwan sa mansion ng Lola niya. Mabuti na lamang pala at may sarili siyang kwarto sa mansion at may mga damit siya doon na iniiwan kaya hindi na siya nahirapang mag-empake.

Tatlong buwan. Tatlong buwan lang siya nitong magiging PA dahil sa 'utang loob' kuno and after that she's free again to fly.

May plano na kaagad siyang nabuo sa kaniyang isipan. Pagkatapos ng trabaho niya dito ay magbabakasyon siya kaagad sa Maldives. Siyempre sagot iyon ng lola niya. Mabawasan man lang ang kayamanan nito.

Kailangan niya lang itong pakiharapan ng maayos. Na normal lang naman niyang ginagawa sa mga bagong kakilala. Hindi naman siya nito kilala kaya wala naman siyang dapat na ikabahala.

"I think that's a yes."

"Hindi no. Ikaw naman." She faked a smile. If only I have a choice hindi naman talaga ako sasama sa iyo. Sa loob loob niya.

Ginaya nito ang pekeng ngiti niya. "Ang plastik ng ngiti mo."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Excuse me?!"

Iniba nito ang usapan. "Mukhang close na close ka kay Granny." Sabi nito ng hindi siya nililingon.

"Yep. Actually all of us," nilingon niya ito. "Huwag kang tumawag ng Granny. Hindi ka niya apo."

He chuckled again and oh boy. "I am soon to be his grandson."

"Ow. Okay." That engagement thing.

"Ang sungit mo." Nakangiti nanaman nitong sabi sa kaniya.

Napapansin niyang kanina pa ito ngiti ng ngiti sa kaniya. "Bat ba kanina ka pa ngiti ng ngiti? Huwag ka ngang ngumiti diyan. Hindi mo ikina-gwapo 'yan",  nasabi na ba niyang nakakadala itong ngumiti? Pero kahit na maganda itong ngumiti, naasar parin siya dito.

"Bakit kanina mo pa ako pinagsusungitan?" Balik na tanong nito sa kaniya. "And What's wrong with my smile? Does it affect you?"

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Alangan naman kasing sagutin niya ito ng oo. "Malayo pa ba tayo?" tanong na lamang niya.

"Actually,  andito na tayo," may nilikuan itong papasok na kalsada at saka pumasok sa isang malaking  gate at saka nito ipinarada ang sasakyan. Akma niyang bubuksan sana ang pinto sa tabi niya ng  pigilan siya nito. "Let me."

Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa na nakaupo sa gintong tasa. At ito naman ay isang gwapo,  makisig at maginoo na prinsipe na ipagbubukas siya ng pintuan.

Maggycut it off! Sigaw ng munting tinig  sa utak niya.

Sa inis niya ay ipinagbukas nga lang talaga siya nito ng pinto ngunit hindi naman siya inalalayang bumaba. Binabawi na niya ang sinabi na isa itong maginoo.

Pagkababa sa sasakyan ay kinuha na niya ang maleta mula sa compartment at saka iminuwestra dito ang bagahe niya.

Nakakunot ang noo nitong tumingin sa kaniya.

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon