Chapter 17 - Night Swimming

3.2K 83 4
                                    

ILANG linggo narin silang magkasama si Matthew sa iisang bubong at sa paglipas ng mga araw ay mas lalo niyang nakilala ito. Mas lalo ring napalapit ang loob niya dito.

Marahil ay tatawanan siya ng iba kapag nalaman ng mga ito ang istorya nilang dalawa. Sino nga ba naman ang baliw na ma-iinlove sa taong sa picture mo lang nakita diba? Sinong tanga ang aasa na magkakaroon ng happily ever after ang isang kalokohan na relasyon?

Sino pa eh di siya. But dreams do come true. Salamat narin sa pakialamerong si kupido dahil nagkasalubong ang mga landas nila ni Matthew o Matt. Kahit na sa sandaling panahon lamang...

Sa pagdaan ng mga araw ay nakakatuwa ang pagiging malapit nila sa isat-isa. Pareho nilang isinantabi ang ideya na engage na ito sa pinsan niya.

Hindi niya iyon matatawag na mali dahil wala naman silang ginagawang masama. Nagkakaunawaan lang silang dalawa at palagay ang loob nila sa isat isa.

Maraming bagay narin silang napag-usapan ngunit kahit minsan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na sabihin dito ang lahat. Nangangamba siya na baka masira niyon ang maganda na nilang samahang dalawa.

Noong nakaraan ay naglaro silang  dalawa ng golf. Napakahusay nitong maglaro kaya naman natalo siya. Inilibot narin siya nito sa ibang parte pa ng isla at noon niya napagtanto na iyon ang isla na nakita niya sa opisina nito noong unang beses silang magkita.

Kapag malapit ng matapos ang tatlong buwan. Saka ko na lamang idi-distansiya ang sarili ko sa kaniya...

Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa tabing dagat. Papunta sila ngayon sa sinasabi nitong restaurant malapit sa light house. Hindi rin naman kalayuan sa bahay nito kaya napilit niya itong maglakad.

"Ang ganda." nakatingala siya sa mga bituin sa kalangitan. Halos punuin na ng mga bituin ang langit.

"Oo nga ang ganda."

Nang lingunin niya ang katabi ay sa kaniya ito nakatingin.

Pabiro niya itong inirapan saka naglakad na ulit. Nakakarami na siya ng hakbang ng maramdamang wala ito sa likuran niya. "Matt?"

Napapalatak siya ng makitang lumusong ito sa dagat. "Oh, your kidding me." patakbo niyang binalikan ito. "What are you doing?"

"Naliligo." sigaw nito dahil mediyo malayo na ito sa pwesto niya. Nasa pampang ang hinubad nitong damit at short. Ibig sabihin ay naka boxer lang ito?!

Ang liwanag ng buwan at ang spotlight ng mga nakatayong poste sa pampang ang nagsisilbing ilaw roon.  Mayroon ding mga life guards na nakaantabay sa paligid kaya safe roon ang maglangoy sa gabi.

"Halika na." lumubog ito sa tubig.

"Ikaw nalang. Ayoko malamig."

Mga ilang segundo rin siyang nag-hintay ng pag-ahon nito. Bigla ang pagsalakay ng kaba sa kaniyang dibdib ng hindi pa ito umaahon.

Hindi na niya naisip pa ang maghubad ng damit at lumusong siya sa tubig at pinuntahan ang pwesto nito kanina. "Matt! Nasaan ka?" nilingon niya ang buong paligid para hanapin kung nasaan ito ngunit wala siyang makita. Madilim na kasi sa  bahagi ng dagat kung saan ito lumusong.

Kinakabahan na siya dahil mahigit dalawang minuto na pero hindi parin ito lumulutang. "Matt naman huwag mo naman akong biruin ng ganyan." napasigaw siya ng may biglang humawak sa baywang niya.

Ang nakangiti nitong mukha ang sumalubong sa kaniya. "Gotcha."

Tinampal niya ito sa noo. "Papatayin mo ba ako sa gulat? Bakit ang tagal mo sa ilalim? Akala ko kung napaano kana."

"Nag-alala kaba sa akin?"

"Siyempre naman!" halatang nagulat ito sa sinabi niya. "Siyempre, kapag may nangyaring masama sa iyo. Lagot ako kay Lola at kay Sheena."

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi nito.

Tumalikod na siya rito dahil nakakadistract ang magandang hubog ng katawan nito. "Huwag mo na ulit uulitin iyon."

Hinuli nito ang braso niya. "Maligo kana basa kana rin lang." sinabuyan siya nito ng tubig. Sa gulat niya ay napatili siya

"Ahhhh!!!! Ang lamig!" gumanti siya dito sinabuyan niya rin ito ng tubig. Sa kasasaboy niya rito ay muntikan na siyang matumba mabuti na lamang at naging maagap ito.

"Gotcha." nakapulupot ang isang braso nito sa baywang niya siya naman ay napakapit sa matitipunong braso nito. Gadangkal na lamang ang pagitan ng mga mukha nila sa isat-isa.

"Maggy."

"Matt."

Tinawid nito ang manipis na pagitan nilang dalawa at inangkin ang kaniyang mga labi. He's kissing him passionately and she responded to his kisses with the same tempo. Ipinulupot niya ang dalawang braso sa batok nito para mas palalimin pa ang kanilang halik. Narinig niyang umungol ito dahil sa ginawa niya. She felt her body was suddenly heaten up kahit na nga nasa dagat sila ngayon.

Tumigil lamang sila nang halos kapusin na sila ng hangin. Pareho nilang habol ang hininga. Lumingkis ang mga braso nito sa baywang niya at niyakap siya ng mahigpit. Ginantihan niya ito ng yakap.

God... How I wish we could be like this forever.. How I wish I could always feel your warm embrace.. Iwish I could always kiss you that way.. I wiss you were mine.. Matt.

Matagal na sandali ang lumipas na nasa ganoon lang silang posisyon. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa at pareho lamang nilang pinapakiramdaman ang isat-isa. And then he heaved a sigh.

Ito ang unang kumalas sa yakapan nilang dalawa. Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Tumungo ito at hinalikan siya sa kaniyang noo. "Let's go. Lumalamig na baka sipunin ka pa." Tanging tango na lamang ang naisagot niya dito.

Makahawak kamay sila nitong naglakad pero siya ay sa kabilang direksiyon nakatingin. Paanoy naka boxer lang ito at halos ilantad na ang kahubaran nito sa kaniya.

Isa itong malaking tukso..

Napangiti siya habang nakatingin sa magkahumpong nilang mga kamay.

I love you...Matt..

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon