Chapter 8 (Sheena Clemente)

4.1K 97 7
                                    

Sumimsim siya ng alak mula sa hawak niyang kopita. Pangwalong baso na niya iyon ng redwine pero parang wala namang nagiging epekto sa kaniya.

Iginala niya ang mga mata sa malawak na bakuran ng pamilya Clemente. Napakaraming bisita ng lola at mga magulang niya ng gabing iyon. Lahat ay mga kilalang tao at may mga sinasabi sa buhay. Kasama din sa pagtitipon na iyon ang mga tauhan nila sa farm at mga empleyado sa kanilang kumpanya.

Kung meron mang isang bagay siyang maipagmamalaki tungkol sa pamilya niya,  iyon ay ang pagiging makatao ng mga ito at pagiging mapagmahal sa mga empleyado. Ang dahilan ng lola niya ay ang mga trabahador ang siyang gumagawa at mas nahihirapan na magtrabaho kaya natural lamang na isama sila sa mga simpleng pagdiriwang na katulad nito at walang rason para hindi sila imbitahan. Nanggaling kasi sa hirap ang mga ninuno daw ni lola niya kaya naman ganoon na lamang ang malasakit nito.

Sa mansion ng lola niya sa tagaytay  ginanap ang anniversary ng mga magulang niya at ang kaarawan ng kaniyang Lola Matilde. Napatawa siya ng maalala ang maldita niyang lola. Sa tuwing magkikita kasi sila nito ay palagi na lamang siya nitong hinahanapan ng boyfriend. Pagkatapos ay sesermunan siya nito dahil sa mayroon daw siyang imaginary boyfriend. Tsk.

Dahil walang makausap ay nakipagtitigan na lamang siya sa lalaki na dumaan sa harapan niya. Gwapo ito at matangkad pero wala namang dating sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay ng kindatan siya nito.

"Oh,  bakit hindi naman bumibilis ang tibok mo noong tinitigan ako ng lalaking iyon? Tsk. Weird." Sabi niya sa kaniyang puso. Samantalang noong si Matt or Matthew.  Yeah whoever, ang tumitig sa kaniya ay parang nagsisirko ito at para pa siyang sinisilihan.

"Weird karin Maggy. I've been watching you since I get here and you keep on talking to yourself. Have you gone crazy, pinsan? "

Nilingon niya ang nagsalita. "Hello,  Dale. Don't worry, mas baliw ka parin."

"Isusumbong kita kay lola hindi mo ako tinatawag na kuya."

"Isusumbong kita kay lola may bagong girlfriend ka nanaman." Pang isang daan na ata ang babaeng nakita niya na kasama nito kanina.

Inakbayan siya nito. "Alam mo ang bait mong bata ka. Bakit mag-isa ka? Nasaan yung maganda mong bestfriend?"

Si Gab ang tinutukoy nito. Ngumisi siya dito. "She's obviously hidding from you."

Tinuktukan siya nito. "Sinungaling. Crush niya ako kaya di niya ako pagtataguan. Takot lang siya na mahulog sa kakisigan ko." Well, totoo naman ang sinabi nito na makisig ito. Matangkad si Dale at maganda ang pangangatawan. Pero hindi ito ang gusto ni Gab.  Sumimsim ito ng alak mula sa hawak nitong baso.

Sumimsim din siya ng alak sa baso na hawak niya. "Sabi nino?"

Iniba na nito ang usapan. "Bakit nga pala wala ka doon sa loob ng bahay? Nandoon ang iba nating mga pinsan. Hindi ka nakikigulo sa kanila."

"Tinatamad ako, eh ikaw?  Why are you here? Ba't wala ka dun sa mga magugulo mong pinsan? "

"Eh kasi tinatamad din ako." Sabay silang napatawang dalawa.

Si Dale ang isa sa pinakamalapit na pinsan niya. Pareho kasi sila nito ng trip sa buhay kaya naman nagkasundo silang dalawa.

"Nga pala nakita ko na dumating na si Sheena kasama niya si Auntie. Nagkita na ba kayong dalawa?"

Nasamid siya pagkarinig sa pangalan ng pinsan. Bakit ba nakalimutan niya na uuwi nga pala ito ngayon. Hindi niya napaghandaan ang bagay na 'yon. Madami na siyang utang dito. Noong nakaraang mga taon ay ilang beses siya nitong tinawagan para kumustahin at niyaya pa nga siya nitong magbakasyon pero puro pagtanggi ang ginawa niya at samut saring dahilan ang mga pinagsasabi niya makaiwas lang dito. Hindi niya pa kasi ito magawang harapin.

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon