Chapter 14 (Take a risk)

3.5K 83 11
                                    

This chapter is for you @ChaChaCM :)

-----------------

Doon siya nito dinala sa Lagoon Cafe para sa kanilang almusal. Pero bago sila nagpunta doon ay napilit pa siya nitong bumalik sa botique na pinanggalingan nila kanina at ibinili siya nito ng sapin sa paa. Na-realize  niya na may punto ito noong nakarating sila sa Lagoon Cafe. Sementado na kasi ang daan papunta sa Cafe kaya mediyo masakit na iyon sa paa kapag nakaapak ka.

"Anything else you want to add, Maam and Sir?" sabi ng nakangiting waiter sa kaniya.

"Oh, pwede mo ba akong pahiramin ng papel at ballpen?"

Nagtataka man ay tumango na lamang ito sa kaniya. Pinunit  nito ang pinagsulatan ng kanilang order at iniabot sa kaniya. "Sa inyo po muna ito."

Matamis niya itong nginitian. "Thank you."

Tiningnan niya ang kaharap. Nakakunot ang noo nito at nagtatanong ang tingin nito sa kaniya. "Para saan ang mga iyan?"

"I must not forget the reason why I'm here. I'm gonna ask you some details."

"Details for what?"

"For your wedding. I'm your event organizer, remember? So let me do my job, now let's start with the motif. Anong motif ng kasal ninyo ni Sheena?"

"We haven't talked about it yet."

"Really? It's been a month or two I guess, simula nang ma-engage kayo ah."

"We're both busy at work." uminom ito ng kape.

"I see. Do you know her favorite color?"

"Pink."

"That's not her favorite color. Ikaw yata ang may paborito sa Pink." patay malisyang sumimsim siya ng orange juice mula sa hawak niyang baso. Sheena's favorite color is Lavander.

"Yeah, that's my favorite." inis na sagot nito sa kaniya. Halos mapunit na nito ang diyaryo sa paglilipat ng pahina.

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sarili na matawa sa reaksiyon nito. Bakit ang sarap nitong asarin?

"How about the reception? Saang simbahan niya or ninyo gustong ikasal? Or what kind of arrangement you guys want?"

He smirked. "Again, we haven't talked about it yet." uminom nanaman ito sa hawak na baso. Ang tagal namang maubos ng iniinom nitong kape.

She was about to ask something ng parang may bigla itong naalala. "I remember, she likes a garden wedding. Ah no, more of a forest wedding. A fairytale style. I mean, mga diwata sa kagubatan sabi nga niya. For the wedding gown, simple lang ang gusto niyang isuot sa araw ng kasal naming dalawa. A simple white dress at dapat daw lahat ng bisita ay nakaapak. That's weird pero iyon ang sabi niya na gusto niya."

"Yeah..that's weird but excuse me, as far as I could remember she always wanted a beach wedding."

"Hindi iyon ang sinabi niya sa akin."

"Kailan niya iyon sinabi sa iyo?"

"When we were in Paris."

Humigpit ang hawak niya sa ballpen. "Where did you get that idea?"

"I told you, that's her ideal wedding."

Noong highschool pa lamang sila si Sheena ay napag-usapan nilang dalawa ang mga gusto nilang konsepto kapag ikinasal sila kahit na nga wala pa silang ideya noon tungkol sa pag-aasawa. Kinasal kasi noon ang pinsan nila at pareho silang kinuhang mga abay kaya naman nangarap rin silang dalawa ng sariling konsepto ng kasal. Gustong gusto nito ang beach wedding dahil paborito nito ang beach at sunset. Siya naman ay nature lover at noong bata pa siya ay hilig niya ang mga kwentong diwata kaya naman gusto niya na forest wedding ang konsepto ng kasal niya.

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon