Chapter 13 (Ang Isla)

3.4K 83 13
                                    

Nasa paraiso ba siya?

Malamig at presko ang simoy nang hangin na nalalanghap niya. Mga awit ng munting ibon ang naririnig niya at napakagandang tanawin ang kaniyang nakikita.

Mula sa mataas na lugar na kinatatayuan niya ay tanaw na tanaw ang malawak na kapaligiran na nababalutan ng berdeng damo. Sa kabilang dako naman ay ang malawak at asul na asul na dagat ang kaniyang nakikita. Ipinikit niya ang mga mata para namnamin ang musika na likha ng paghampas ng alon sa mga bato na nagkalat sa dalampasigan. Ahhh.. This is life..

It was a turquoise blue water and white sandy beach. Kahit malayo siya sa pampang ay kitang kita niya ang nang-eengganyo at napakagandang kulay ng tubig dagat.  Ang nagkikislapang puting buhangin sa paligid na sa tingin niya ay pinong pino. Hindi na niya natiis na manatili sa kinatatayuan at manood lang. Halos patakbo niyang nilakad papunta sa pampang. Palibhasa ay sa lungsod siya nakatira kaya ganoon na lamang siya kasabik sa tubig dagat.

At hindi nga siya nagkamali. It was indeed a paradise. What a beautiful beach. Ngayon ay nakikita na niya sa malapitan ang kanina ay tinatanaw lang na buhangin. She was wrong, it's not just a white sand. It's powdery white sandy beach! Noon lang siya nakakita ng ganoon. She's been to Maldives pero hindi ganito kaganda ang buhangin doon. Hinubad niya ang suot na sapin sa paa para damhin ang sobrang pinong buhangin. Kay sarap sa pakiramdam ng buhangin sa kaniyang mga paa. Gusto sana niyang magtampisaw kaya lamang ay mediyo may kalakasan ang alon. Mamaya na lamang siguro.

May mga natatanaw rin siyang puno na hindi kalayuan sa dalampasigan ang halos humalik na sa buhangin sa baba noon. May mga mangilan ngilang tao siyang nakikita na namamasyal rin tulad niya. She focused on the magnificent scenery in front of her.

Kinapa niya ang kaniyang bulsa. Sayang at hindi niya nadala ang cellphone niya.

Humahangang iginala niya ang mga mata sa paligid. May mga establishimento rin pala na nakatayo di kalayuan sa pampang. Umikot siya at naglakad lakad papunta sana sa malawak na lupaing berde na natanaw niya kanina sa itaas. Mayroon siyang nakita doon kanina na mangilan ngilang naglalaro ng golf.

Sa paglalakad niya ay napadaan siya sa nag-iisang botique na nakatayo doon. Wala naman siyang balak na bilihin kaya dumiretso na siya ng paglalakad. Maglalakad na sana siya palayo ng bumukas ang babasaging pintuan ng botique. "Hi, why don't you come inside?"

Palakaibigan na bati sa kaniya ng isang magandang babae. Hula niya ay ito ang may-ari ng botique. Sa tantiya niya ay hindi naglalayo ang edad nilang dalawa. Maganda ang bati nito sa kaniya kaya nahiya naman siyang tanggihan ito at pumasok na siya sa loob. She was kinda surprised upon seeing all the items inside. Mga branded lahat ng iyon at hindi biro ang halaga. Alam niya ang brand ng mga damit doon sa botique dahil minsan narin siyang naging parte ng fashion show ng mga signatured brands nito. Double ang presyo doon.

"Ngayon lang kita nakita dito. First time mo?"

"Yes. Alam mo ba kung nasaan ako?"

"You're in an Island."

"Nasaang parte tayo ng mundo? "

Napatawa ito sa tinuran niya. "Nandito parin sa Pilipinas."

"Wow."

"Yes, wow. Ganyan din ang naging reaksiyon ko noong una akong makarating dito. Akala ko noon nasa ibang bansa na ako. Akalain mong may ganito kagandang isla ang nagtatago dito sa Pinas."

"I agree." Nakangiti niyang sagot rito. "I'm Maggy, anyway."

Tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. "I'm Danny, so sinong member ang nag-invite sa iyo?"

"Member?"

"Yes member. Isa itong exclusive island at hindi ka basta basta makakapasok at makakatapak dito unless VIP guess or invited ka ng isa sa mga members ng club." Mahaba nitong paliwanag.

"Anong club?"

Pabiro siya nitong inirapan. "I can't believe you're here. Kinidnap ka lang ba at sapilitan na dinala dito kaya di mo alam? "

"Hindi naman."

"Have you heard the Billionaire Bachelors Club?"

Parang narinig na nga niya iyon... kagabi? "Sort of?"

"You are at their territory. Be ware. Others called this island Isla Mujeres, but originally they called it BBC Island. From the title itself, mga binata at mayayamang negosyante ang member ng nasabing club and they are all devilishly handsome!!" Kinikilig na kwento nito. May hinawakan itong two piece swimsuit at iniabot sa kaniya. "Here. Bagay to sa iyo."

"Wala akong dal-"

"Icha-charge ko nalang sa member na kasama mo. Sino nga ang kasama mong dumating dito?"

"Ako." Sabay silang napatingin sa lalaki na kapapasok pa lamang sa botique. "Nandito ka lang pala. Kanina pa kitang hinahanap, hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka."

"Sa edad kong ito hindi ko alam na kailangan ko pa palang mag-paalam sa iyo."

"Ako ang kasama mo na pumunta dito. Kaya kargo kita." Tumingin ito sa hawak niyang two piece swimsuit.

"Oh, Matt bilhin mo ito para sa kaniya. She likes it."

Maang siyang napatingin kay Danny. Hindi bat ito ang nag-alok sa kaniya? Kinindatan lang siya nito.

"Hindi ko dala ang card ko."

"Don't worry, I'll have this charged under your name." Negosyante nga talaga ang isang ito. Kinuha nito ang two piece at saka inilagay sa paper bag. That two piece swimsuit was from Lasenza. Kay laki ng ngiti na nakapaskil sa mukha nito ng inabot sa kaniya ang paper bag. "Isusuot mo ito ha, para lumuwa lalo ang mga mata niya sa iyo."

Natatawa niyang inirapan ito. She like this girl.

"Anong ibinubulong mo diyan, Danny?"

"Wala. Visit my botique again. Hihi."

Nakalabas na sila ng botique at naglalakad pabalik sa bahay ng magsalita ito. "Bakit hindi mo ako ginising? Sana ay nasamahan kita."

Hindi parin pala ito tapos. "Tulog kaba?" Lumapit siya dito at malakas itong tinapik sa braso. Napangiwi naman ito. "Oy, gising na. Ayan gising kana?"

Inirapan lang siya nito. She find it cute kapag pinagsusungitan at iniirapan siya nito. Hindi niya namalayan na natatawa na pala siya.

"Anong nakakatawa? "

"Ikaw."

"Bakit?"

"Wala. Tara na nga nagugutom na ako." Bumaba ang tingin nito sa mga paa niya. "Nasaan ang sapin mo sa paa?"

Sinundan niya ang tinitingnan nito. "Geez! I forgot it there!" Sa sobrang wili niya sa magandang tanawin ay nalimutan na niya ang kaniyang sapin sa paa.

"Palitan nalang natin. Tayo na nagugutom narin ako."

Hindi na siya sumagot at tahimik nalang na naglakad habang nakamasid siya sa paligid. Dahil sa ibang direksiyon siya nakatingin kaya hindi niya namalayan na tumigil pala ito sa paglalakad. Lumanding tuloy ang mukha niya sa dibdib nito.

"Aray, bat ba kasi nakaharang ka diyan?" Hawak hawak niya ang sariling ilong.

Nakatingin lang ito sa kaniya.

"What?" Imbes na sumagot ay hinawakan nito ang isang kamay niya at hinila siya sa direksiyon papunta ata sa bahay nito. Magkahawak kamay silang naglalakad.

Now it's his turn to smile.

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon