Chapter 18 (The Bear House..)

3.2K 85 15
                                    


Hindi na sila tumuloy nito sa pupuntahan sana nilang restaurant. Napagdesisyunan nila na bumalik na lamang sa bahay nito at ito na lang ulit ang magluluto. Anyway, mas gusto naman niya ang mga niluluto nito. Masarap kasi talaga itong magluto kaya naman napaparami ang kain niya, pero okay lang naman sa kaniya. Babawiin na lamang niya iyon kapag nakabalik na siya sa Maynila.

Tinulungan niya ito sa paggagayat at paghahanda ng mga kasangkapan na gagamitin nito para sa pagluluto ng kaldereta. Mabuti na lamang at mayaman ito kaya marami itong stock na pagkain sa bahay at kumpleto ito sa mga kasangkapan..

Matapos itong matulungan sa paghahanda ng lulutuin ay iniwan na niya muna ito para maligo at makapagpalit ng damit. Dumiretso kasi kaagad sila sa kusina pagkadating nila sa bahay nito.

Nang matapos siyang maligo at magbihis ay pinuntahan na niya kaagad ito sa kusina kung saan ito nagluluto. Kusang napatigil ang mga paa niya sa paghakbang ng maulinigan na may kausap ito.

"I'm sorry, I was too busy these past few days. Yeah, I wasn't able to call you."

Napahilamos ito sa sariling mukha at parang alalang alala ito sa kung sino mang kausap nito sa telepono. "Yeah I know. I'm sorry, don't worry we'll have more time once you came back. Kapag hindi ka natuloy sa flight mo, I'll be the one to go there." sinundan nito iyon ng ngiti na nauwi sa tawa na akala mo ay nasa harap lamang nito ang kausap. "Of course, I miss you too honey."

Honey? Is he talking to Sheena?

Nasagot ang tanong niya ng magsalita muli ito. "Yeah. See you soon. I love you too."

See you soon. I love you too...

See you soon. I love you too...

See you soon. I love you too...

Parang sirang plaka na nag-paulit ulit sa isip niya ang mga huling katagang binitiwan ni Matt sa kausap nito sa telepono. Obvious naman na si Sheena ang kausap nito.

Mapait siyang napangiti.

Shit ang sakit lang. Lumabas siya ng bahay na hindi nagpapaalam dito. Bahala na kung saan siya dalhin ng kaniyang mga paa ang mahalaga ay makalayo siya rito. Sabagay hindi naman ito mag-aalala sa kaniya.

Wala siyang pakialam sa mga nakakasalubong niya sa daan kahit na nga nababangga na niya ang mga ito. Who cares? Wala rin namang pakialam ang mga ito sa kaniya.

She was damn hurt. Ramdam na ramdam niya ang paninikip ng kaniyang dibdib. Kanina lang ay magkahalikan silang dalawa under a thousands stars and the fuc*king moonlight tapos naligo lang siya at nagbihis bagbalik niya ay may ka-aylabyuhan na ito sa telepono?! Fudge! Sana pala hindi na lamang siya naligo kung ganoon.

Sunod-sunod ang  naging pagbuga niya ng hangin. "Shit!!" she was damn jealous with Sheena. Ang bigat at ang sakit sa dibdib. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng pagseselos. She'd never been jealous before.

Naiinis siya kay Matthew. Bakit kailangan nitong iparamdam sa kaniya na mahalaga siya? Na espesyal siya dito? Na may pagtingin rin ito sa kaniya? Na pareho sila ng nararamdaman? She could feel it the way he kissed her. The way he hugged her. Punong puno ng pananabik. Punong puno ng emosyon. Tapos bigla na lamang ganoon?

Higit sa lahat ay mas naiinis siya sa kaniyang sarili. Ano nga bang karapatan niyang magdamdam? Wala namang sila. Wala naman itong ipinapahayag na espesyal na damdamin para sa kaniya. Saka, hindi bat alam naman niya na fiancee na nito ang pinsan niya.

Pero iyon na nga ang masakit doon eh, ang katotohanan na walang sila pero umasa parin siya.

Oo na nga, walang sila. Wala na kung wala! Bakit ba kailangan pang ipamukha sa kaniya?

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon