After 5

36 3 0
                                    

After 5

"What are you watching, Ma?" Takang tanong ko kay Mama-- nung nakita ko siyang naka-upo sa sofa at tutok na tutok sa screen ng TV-- sabay medyo nagstretch pa. It's almost 8 o'clock in the morning at kakagising ko lang.

"A-ano--" Hindi niya natuloy yung sasabihin niya nung bigla na akong naupo sa tabi niya dahil nakita ko ang mga mukha ng kaibigan ko sa screen. What the fudge? Why are they on news?

"5 of the most beautiful faces on showbiz industry, Crishia Buenconsejo, Pauline de Guzman-Velasco, Jasmine Flores-Peralta, Rialaine Reyes and Ailene Tan, are caught fighting earlier this day in a cafe in Bonifacio Global City." Sabi nung anchor ng showbiz segment nitong balitang pinapanuod namin tapos may nagflash na picture kung saan makikita sila Ailene, Jasmine, Pauline, Crishia at Rialaine na kapwa mga naka-kunot nuo at halatang mga galit.

What the actual freak?! And what on earth really did happen?!

"Sa pagkakaalam ng lahat, mula pagkabata pa lamang ay magkakasama at magkakaibigan na ang mga magagandang dilag na ito pero base sa picture na nakunan ni Maricar Umali ay parang nagkakaalitan sila. Ano ba talaga ang nangyari, Maricar?" Kunot-noong tanong nung anchor at hindi naman nagtagal eh napalitan na yung mukha niya ng mukha ng isa pang babae na naka-tayo sa harap ng Starbucks.

"Yes, you're right, Eya, when you said that they're friends since their childhood kaya nga pati kami ay nagulat noong namataan namin sila kaninang umaga na nagkakainitan at nagsisigawan." Sabi nung reporter na Mari--whatsoever ang pangalan tapos nawala na siya sa screen at may video na nagplay.

"Magtu-tour kami ni Paul sa Europe. Siguro mga 3 months din akong mawawala." Sabi ni Rialaine. Sabay-sabay namang napatingin sa kanya sila Ailene with shocked faces.

"P-paano mo magagawang sikmurain na magpakasaya gayong alam mong magsa-siyam na buwan ng nawawala si Li?" Mariing sabi ni Jasmine. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at medyo napaigtad pa ako nung inakbayan ako ni Mama.

"And that's the point! Magsa-siyam na buwan ng wala si Natalia pero ni isang clue kung nasaan siya eh wala pa rin tayong mahagilap! At hindi naman pupwedeng ituon ko na lang ang lahat ng pansin ko sa paghahanap sa kanya. I have my own life that I need to live!" Iritableng sabi ni Rialaine. Napanganga naman ako.

"At saka kung nasaan man si Lia, I'm sure that she's still alive. Dahil kung hindi, baka nabalita nang nasagasaan siya o nakita ang duguang katawan niya somewhere!" Sabi niya pa at hindi ako nakahuma noong sinampal siya ni Ailene dahil nanginginig na ang buong katawan ko at naguunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.

"H-how dare you! How fucking dare you and that damnshit mouth of yours!" Sigaw pa ni Ailene at akmang hahablutin ang buhok ni Rialaine pero nahawakan na agad siya ni Crishia.

"Gustong-gusto kitang balian ng leeg ngayon dahil sa mga pinagsasabi mo pero hindi ko gagawin dahil may natitira pa naman akong katiting na respeto sa iyo. Pero umalis ka na dahil baka biglang maglaho ang katiting na respeto na iyon." Nakatiim-bagang na sabi ni Crishia.

"Masyado kayong nagaalala para sa isang taong walang pakundangang na iniwan kayo. Tss! I can't believe na nagkaruon ako ng mga kaibigan na tulad niyo!" Bulyaw ni Rialaine sabay tumayo na rin. Pero bago pa siya maka-alis eh nagsalita na si Pauline.

"You can't believe that you have friends like us? Well, FYI lang, hindi rin kami makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan natin, na pagkatapos ng lahat ng mga ginawa ni Natalia para sa iyo eh ito pa ang isusukli mo! Ang kapal ng mukha mo!" Galit na galit na sabi niya.

"At oo! Iniwan niya kami, tayo, ng walang paalam pero sa tingin mo ba isang sobrang babaw na tao ni Lia para mangiwan ng walang malalim na dahilan, ha?! For all we know baka she's suffering right now that's why she chose to left us! For all we know eh baka inuna niya na naman ang kalagayan natin kesa sa sarili niya! For all we know eh baka nasasaktan na siya at kailangan niya ng masasandigan sa mga panahon na ito pero mas pinili niya pa ring umalis dahil iyon ang tingin niyang mas makakabuti para sa atin!" Dagdag niya pa at lalo akong napaiyak nung nakitang umiiyak na siya.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon