After 16

21 3 0
                                    

After 16

Ang sarap ng tulog ko pero naalimpungatan ako nung naramdaman ko na may sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Dahan-dahan ko pang minulat ang mga mata ko pero nung nakita kong hindi kulay blue yung walls nitong kwartong kinaroroonan ko eh napa-balikwas ako ng bangon.

Napa-pikit pa ako nung parang umikot ang buong mundo ko dahil sa biglaang pag-upo. At nung medyo nahimasmasan na ako eh sisigaw dapat ako pero bigla namang bumukas yung pinto kaya hindi ko na naibuka man lang ang bibig ko.

"It's good that you are awake. Sumunod ka na sa labas after mong mag-ayos. May breakfast ng naka-prepare." Sabi ni Louis na siyang pumasok. Naka-long sleeves na naman siya katulad nung damit niya kahapon pero ibang kulay nga lang. Pati yun necktie niya eh iba rin ang kulay at design mula doon sa suot niya kahapon so I assumed na naka-ligo na siya.

"Nasan ako? Kaninong kwarto 'to?" Tanong ko habang naka-upo pa rin sa kama.

"You're in my private room here in my office. May bathroom dyan, mag-freshen up ka na ng maka-kain na tayo. Dalian mo. You know very well na ayokong pinaghihintay ang pagkain." Sabi niya tapos lumabas nitong kwarto. Tumayo naman na ako tapos tinungo yung isa pang pinto na nandito sa kwarto.

Matapos kong maghilamos at magmumog eh lumabas na rin ako ng private room ni Louis at pagkalabas ko eh naabutan ko siyang naka-upo doon sa black leather couch tapos may mga pagkaing naka-hain sa table na nasa harap niya.

"Take a sit and eat." Bungad niya agad sa akin nung nakita niya ako. Umupo naman na ako sa couch na kaharap nung couch na inuupuan niya at nagsimula ng kumain. Gutom na gutom na ako kaya wala na muna akong pakielam kahit na magmukha akong patay gutom sa mga mata niya. Uunahin ko muna ang pagkain kesa ang pag-landi.

"Slow down. Wala namang mang-aagaw niyang kinakain mo. Mamaya mamatay ka pa dahil sa pagka-hirin at ako pa ang makulong." Biglang sabi ni Louis na nakapag-pahinto sa akin sa pagkain.

Medyo nagulat pa ako kasi parang nag-aalala talaga siya para sa akin pero nung nag-sink in sa akin yung lahat ng sinabi niya, narealize ko na ayaw niya lang na madawit kapag may nangyaring masama sa akin lalo na at siya lang naman ang kasama ko ngayon.

"Hindi 'yan. 'Wag kang masyadong OA dyan." Sabi ko tapos bumalik na sa pagkain. Hindi ko naman papatayin ang sarili ko sa pagka-hirin 'no. Ayoko ngang iwan si Nereus at saka hindi niya pa ako napapatawad so hindi pa talaga ako pwedeng mamatay.

"What are your plans for today?" Tanong niya after a while of silence. Natigilan naman ako ulit.

Why does he want to know about my plans for todays? Bumalik na ba ang pakielam niya sa akin?

Oh, don't be silly! Of course he doesn't care about you! He just wants you to be out of his office as soon as possible that's why he's asking!

Ang galing. Kahit sariling thoughts ko eh sinasaktan na rin ako ngayon. Though, tama naman talaga ang sinabi ng subconsciousness ko.

"Well, since wala akong duty ngayon sa GMH, baka pumunta na lang ako sa Mosaic mamaya tapos baka mamasyal na lang rin kami ni Reus pagkatapos." Wala sa sariling sabi ko tapos sumubo ulit ng pagkain kaso nung nag-sink in na sa akin kung ano man ang lumabas sa bibig ko eh halos mabinlaukan ako.

"I already told you to slow down but you did not listen to me!" Singhal niya sa akin tapos na-upo sa tabi ko at inabutan ako ng tubig kaso mas lalo naman akong nagkanda-ubo-ubo nung naramdaman kong hinahaplos niya ang likod ko.

"Tss. Get a grip! Baka tubig pa ang ikamatay mo!" Singhal niya ulit sa akin. Ramdam na ramdam kong inis na inis na siya dahil sa katangahan ko. Pero masisisi niya ba ako? Mahigit dalawang taon rin ang lumipas mula noong naramdaman ko ang haplos niya! At hindi ko rin inexpect na hahawakan niya ako dahil alam ko naman na abot hanggang sa exosphere ang galit niya sa akin.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon