After 17

24 4 0
                                    

After 17

"Sigurado ka ba sa gagawin mong 'to, Li? Mamaya baka magalit sila sa 'yo." Sabi ni Crishia na parang hindi na mapakali.

"Kaya nga, Be. Hindi ba parang masyadong padalos-dalos 'yang plano mo?" Sabi pa ni Jasmine.. Tumango-tango naman sila Pauline at Ailene.

Tsk. Sinabihan ko naman na kasi sila na hindi nila ako kailangang samahan at tulungan ngayon sa gagawin ko kasi kayang-kaya ko naman na itong mag-isa pero nagpumilit sila at ngayon nga eh kapwa sila mga nagdadalawang-isip.

"Alam niyo, pwede pa naman kayong mag-back out eh. Kaya ko na 'tong mag-isa. Sige na, magsi-uwian na kayo nang magawa ko na ang phase 1 ng plano." Sabi ko at sabay-sabay naman silang umiling.

"Hindi! Gusto kong tumulong, Kambal! Naging malapit na sila sa akin kaya gusto ko rin namang sumaya sila 'no." Sabi ni Ailene.

"True, true. Kaya sige na, gora na, gawin mo na ang phase 1. We'll help 'til the very end." Ngiting-ngiting sabi naman ni Pauline. Napa-buga na lang ako ng hangin tapos kinuha na ang phone ko mula sa bag ko.

"Hi, Ate! Busy ka ba ngayon?" Bungad ko kay Ate Ayanna nung sinagot niya na yung tawag ko.

"Nope. Hindi na naman kasi ako pinapasok ni Dad sa company. You know naman na pinupush na talaga ako ni Mama na magpakasal dahil hindi na nga ako bumabata so gamitin ko daw 'tong araw na 'to para maghanap ng lalaking magpapakasal sa akin." Sabi niya. Napatango-tango naman ako kahit na hindi niya ako nakikita.

"Tamang-tama, 'Te! Pupunta kami nila Ailene ngayon sa yatch club para makapag-unwind naman kahit papaano. Samahan ka na lang naming maghanap ng lalaking mapapangasawa. Maraming gwapo doon at mayayaman." Sabi ko.

"Ay, talaga? Sige, sige! Saan tayo magkikita?" Tanong niya. At feeling ko eh nagtatatakbo na siya papunta sa bathroom para maligo.

"Punta ka na lang dito sa Mosaic, Ate. Sabay-sabay na lang tayong pumunta doon." Sagot ko.

"Okay, okay! I'll be there in 20 minutes!" Sabi niya tapos pinutol na yung tawag.

"She'll be here in a bit." Announce ko kila Jasmine na halatang naghihintay sa sasabihin ko.

"So tatawagan mo na ba siya or pagkarating na lang natin doon?" Tanong ni Crishia.

"I think I should also call him. Nasa Tagaytay siya ngayon for convention at malamang sa malamang eh mahihirapan 'yong maka-alis agad doon kasi ginamit ni Mama at Papa yung chopper." Sabi ko tapos kinuha ulit mula sa bag ko yung phone ko.

"Kuya! Kuya!" I shouted as soon as he answered my call. Sinigurado ko na may panic siyang maririnig sa boses ko.

"What is it, baby girl?" Nag-aalalang tanong niya kaya napa-ngisi ako.

"Si Ate Aya, Kuya! Si Ate!" Sigaw ko ulit tapos humagulgol na. I am very thankful na ilang taon din akong naging artista dahil acting really comes handy sometimes.

"Anong nangyari kay Yan, Jilliana?!" Bulyaw niya. Na-imagine ko na bigla siyang nabangga sa kung saan dahil naka-rinig ako ng malakas na kalabog kaya muntik na akong mapatawa pero buti na lang at napigilan ko.

"A-ang b-bilis ng mga pangyayari, K-kuya. O-one moment we were having fun and the next moment... oh my gosh! Oh my gosh! Hang on, Ate! Help is on the way! Don't close your eyes! Shit! Shit! Shit!" Natatarantang sabi ko tapos humagulgol ako ulit. Nakita ko sila Ailene na tahimik akong pinagtatawanan kaya pinanlakihan ko sila ng mata.

"Asan kayo ngayon, Jilliana?! Damn, don't just cry there, baby girl! You are a fucking doctor! Give her some first aid!" Bulyaw niya na naman mula sa kabilang linya. Ramdam na ramdam ko yung frustration niya at rinig na rinig ko rin yung kalabog ng mga nagbabagsakang gamit.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon