After 25

23 5 5
                                    

After 25

It almost felt home. No. It really felt home. The moment that his lips touch mine, I felt like I am finally home. And I miss this feeling. I miss his sweet kisses. I miss him.

Pero kung gaano kabilis lumapat yung labi niya sa labi ko, gano'n din kabilis nawala iyon. Parang pinasabik lang akong maka-uwi pero sa totoo lang eh wala naman na akong uuwian pa.

"Ehem. Uuwi na pala kami, Kambal! Naalala ko na madami pa akong kailangang gawin sa bahay at magb-bonding pa nga pala 'tong mag-ama ko." Biglang sabi ni Ailene na nakapagpabalik sa akin sa katinuan. At nung tinignan ko siya eh may naglalarong mapang-asar na ngiti sa labi niya.

"Ay, ako din pala madami pang kailangang gawin! I need to finish the designs for my upcoming fashion show! And speaking of that, hindi na ako kukuha ng models at kayo na lang ang magrarampa ng new creations ko, ah? Magandang publicity ang presensya niyo eh." Sabi naman ni Pauline na sabay-sabay naming ikinalingon sa kanya.

"No!" Sabay-sabay pang hindi pagsang-ayon nila Tobias, Steven, Vincent at... Louis.

Given nang kokontra talaga sila Tobias lalo na at asawa nila ang mga lokaret kong kaibigan pero bakit pati si Louis eh kumontra? Dapat na ba akong mag-assume na dahil sa akin kaya siya kumontra? At dapat na din ba akong mag-assume na may meaning yung halik na 'yon at hindi lang for show sa harap ni Nereus?

"Knowing you and your creations, Pauline, I am sure na ilalantad mo na naman ang katawan ng asawa ko sa publiko kaya hindi ako papayag! Kung gusto mo ako na lang ang hahanap ng mga models para sa fashion show mo nang hindi na itong mga kaibigan mo ang mapag-tripan mo." Sabi ni Steven.

Doon sa part na "ilalantad mo na naman ang katawan ng asawa ko sa publiko", I can say na hindi siya nag-eexaggerate kasi kahit naman gowns ang creations ni Pauline, may pagka-revealing talaga 'yong mga designs niya. Kung hindi kasi backless o kaya mababa neckline eh ang haba-haba naman nung slit nung mga ginagawa niya. Tapos meron pa siyang isang collection na inilibas sa market na puro gawa lang sa lace tapos yung mga sensitive parts lang yung natatakpan.

Kaya nga kahit kaibigan namin siya, kay Meira Dominguez kami nagpapatahi ng mga sinusuot namin sa mga parties na pinupuntahan namin noon. Isa siyang fashion designer, an international and famous one to be exact, at kaibigan ni Jaisiel kaya namin siya personal na kakilala at naging kaibigan na din. Hindi naman sumama yung loob sa amin ni Pauline noon dahil si Meira lang naman ang kinukuha naming designer noon kapag cocktail dresses yung kailangan at si Pauline pa din naman yung gumagawa ng mga gowns na sinusuot namin noon pero syempre gumagawa siya ng mga designs na hindi masyadong daring at sexy dahil nagagalit sila Vincent.

"I'll help in finding perfect models, too para hindi mo parampahin 'tong misis ko! Kung gusto mo ako na rin ang maghahanap ng perfect venue!" Sabi naman ni Tobias.

"Ako ang sasagot sa catering, Pau, so spare my wife from being your model!" Offer din ni Vincent. Tumango-tango naman si Pauline na para bang pinagiisipan yung mga pinagsasabi nila.

"Ikaw, Louis? What will you offer para hindi na mag-model ng creations ko si Lia?" Taas-kilay na baling niya pa kay Louis.

"Lokaret ka talaga, Pauline Anne! Hindi kailangang mag-offer sa 'yo ni Louis dahil hindi naman talaga ako papayag na mag-model ng creations mo!" Sabi ko para hindi na ako mapahiya kapag hindi naman talaga nag-offer ng kahit na ano si Louis para hindi na ako mag-model ng mga gown ni Pauline.

"I assure you of a collaboration project with François Delavine." Walang kaabog-abog na sabi niya. Napa-nganga naman kaming magkakaibigan habang sila Steven eh takang napa-tingin lang sa amin.

Of course they don't know who François Delavine is but we know! How can we not know her if she is one hell of a famous international fashion designer? Kung sila Pauline at Meira eh sikat na sikat na sa mundo ng fashion, MAS sikat na sikat si François Delavine! I remember once na nagkaruon ng collaboration project si Tita Jelly kasama si François Delavine at tinangkilik talaga ng mga tao yung mga creations nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon