After 3

35 4 0
                                    

After 3

"Ano ba naman 'yan, Niccolo! Bakit ba ang tagal-tagal mo ah?! We need to get there as soon as possible! Darating na asiya!" Inis na inis na sigaw ko. Buti na lang talaga at fully developed na ang features ni Nereus kundi baka pumangit siya dahil sa sobrang stress na nararamdaman ko kay Nici.

"Wait lang, okay?! Wait lang!" Ganting sigaw niya. Medyo napa-igtad naman ako nung makarinig ako ng sunod-sunod na kalabog mula sa luob ng kwarto niya.

"Hoy! What's happening in there?!" Tanong ko sabay kinalampag pa ng paulit-ulit yung pinto ng kwarto niya.

"Wala, wala! Nahulog lang yung mga foundation at blush on ko!" Narinig kong sabi niya. Napa-buntong hinanga naman ako tapos umirap kahit na hindi niya naman ako nakikita.

"My goodness! Tama na 'yang pagpapaganda! Kahit anong gawin mo eh hindi ka na gaganda! Ugh! Why do you need to be so maarte?! Ako ngang babae eh hindi nag-a-apply ng make-up eh! Nako! Kapag nakapasok talaga ako dyan eh itatapon ko 'yang collection mo ng make-up at lotion!" Sigaw ko ulit. Oo, mag-na-nine months na akong naka-tira dito pero never pa akong nakapasok sa kwarto niya. As in, never pa talaga. Ayaw niya eh kaya hindi na lang ako nagpumilit. Private space niya 'yon eh.

"As if na papayagan kitang maka-pasok dito sa sacred sanctuary ko." Sabi niya nung binuksan niya na yung pinto at nung tuluyan na siyang maka-labas eh kinandado niya na agad 'yon. From the start eh kinakandado niya na talaga iyon. Gano'n niya kaayaw na magpapasok ng ibang tao sa kwarto niya.

"Ayan na 'yon? After 2 hours ng pagste-stay mo sa luob ng kwarto mo para mag-ayos eh ganyan lang ang itsura mo ngayon?" Sabi ko habang umaabot na ata sa mesosphere ang kilay ko.

He stayed 2 fucking hours inside his room and then ngayong lumabas na siya eh makikita kong nakasimpleng blue polo shirt lang siya at faded jeans tapos sneakers?! What. The. Actual. Freak.

"What's wrong with my look?! Itsura pa rin naman akong diyos na galing sa Mt. Olympus." Sabi niya. I just closed my eyes and count 1-10. Nung medyo kumalma na ako eh nag-exhale muna ako bago idinilat ang mga mata ko.

"Umalis na tayo bago ko pa ipasunog ang kwarto mo." Sabi ko sabay na-una ng lumabas.

Calm down, Natalia Jilliana. Think happy thoughts. Think about baby Reus. Huwag mong bwisitin ang sarili mo dahil sa loko-lokong Niccolo na 'yon.

-

"What the hell, Niccolo Tamayo? Bakit ka ba palakad-lakad, ha? Nahihilo na ako!" Halos bulyawan ko na siya dahil bwisit na bwisit na talaga ako. Oo, sinabi ko kanina na huwag kong bu-bwisitin ang sarili ko dahil sa kanya pero heck, bwisit na bwisit na talaga ako! Para siyang kiti-kiti na hindi mapakali!

"Sino ba kasi ang may sabi na tignan mo ako, ha? Just look at something or someone else and don't mind me." Sabi niya sabay tumuloy na sa pabalik-balik na paglalakad sa harap ko.

"How can I won't mind you kung sa harap ko mismo ikaw naglalakad?!" At hindi ko na nga napigilan ang sarili ko. Tuluyan na talaga akong napa-sigaw.

"Why are you shouting, anak?" Sabi ng isang pamilyar na boses. Napa-lingon naman ako agad sa likod ko and there, I saw her standing and holding a big luggage while smiling broadly.

"Ma!" Halos pabulong na lang na sabi ko sabay tumakbo na papunta sa kanya at kahit mahirap-- dahil malaki na nga ang tyan ko-- eh niyakap ko pa rin siya.

"I missed you, Mama!" Sabi ko sabay tuluyan ng napahagulgol.

Yes, nagalit ako sa kanya noon at nagtanim talaga ako ng sama ng luob pero okay na okay na kami ngayon at hindi niya na rin ako unintentionally na nababaliwala. Nung sinabi niya na babawi siya sa akin at gagawin niya ang lahat para mapunan yung mga pagkukulang niya, nagawa niya naman iyon eh. Nag-exceed pa nga siya sa expectations ko eh.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon