After 21

23 3 0
                                    

After 21

"I think mas makakabuti kung lalabas na muna kami." Sabi ni Tito Joaquin, ang daddy ni Louis.

"Ako muna ang bahala kay Nereus, anak." Naka-ngiting sabi naman ni Tita Laide, ang mommy ni Louis tapos akmang kukunin na si Nereus mula sa akin pero lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak ko sa anak ko.

"We won't take him away from you, Jill pero mas makakapag-usap kasi kayo ng maayos ni Johann kapag isinama na muna namin siya." Pag-rereassure niya nung napansin niya na ayokong ibigay sa kanila si Nereus kaya napilitan na din akong pakawalan ang anak ko.

"Kuya Nicco, sama ka din muna sa amin sa labas. Mas mapapalagay si Nereus kapag may kilala siyang kasama namin." Sabi naman ni Loisse at dali-dali namang tumayo si Kuya Niccolo tapos nilapitan ako.

"Everything will turn out well, baby girl." Bulong niya tapos hinalikan pa ako sa noo bago sila tuluyang lumabas nitong office ni Louis sa loob ng JPH Walk.

It turns out na isa pala 'tong JPH Walk sa mga negosyo ng pamilya nila at siya pati na ang mga pinsan niya sa mother side ang magkakasosyo sa pagpapatayo nito pero siya ang may pinaka-malaking percent ng shares.

"Is he my son?" Pagbabasag ni Louis sa katahimikan. His voice is calm pero iba pa din ang impact no'n sa akin. Feeling ko galit na galit siya at gustong-gusto niya na akong sapakin pero hindi niya lang 'yon pinapakita.

"What do you think?" Lakas loob kong tanong pabalik sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot 'tong tapang kong 'to kahit na parang any moment from now eh papanawan na ako ng ulirat pero kailangan kong ipakita sa kanya na malakas ako at kahit na anong mangyari eh hindi ko ibibigay sa kanya ang anak ko.

"I know that he is my son so now, tell me why you chose to hide him from me." Mariing sabi niya. I can sense with the every fiber of my being that he is really fucking mad right now.

"Is he the reason why you left me two years ago?" Tanong niya nung hindi ako nagsalita at mas pinili na lang na tumungo at 'wag siyang pansinin.

"Akala mo ba hindi ko aakuin ang responsibilidad, ha? Akala mo ba tatakbuhan ko kayo kapag nalaman ko na nabuntis kita kahit na hindi pa man tayo nagpapakasal?! Akala mo ba iiwan ko kayo?! Akala mo ba gano'n ako kawalang-kwentang tao?!" Livid na sunod-sunod niya pang tanong nung nanatili lang na tikom ang bibig ko.

Hindi niya naman kasalanan kung bakit ko siya iniwan noon eh. At never kong naisip na tatakbuhan niya ako kapag nalaman niyang nabuntis niya ako. Hindi gano'ng klase ng lalaki ang pagkakakilala ko sa kanya.

"Answer me, Natalia! Damn it!" Sigaw niya na tapos malakas pang hinampas yung desk niya kaya napa-angat agad ang tingin ko sa kanya at doon ko nga nakita na pulang-pula na yung mukha niya dahil sa sobrang galit. Dahil sa sobrang galit sa akin.

Hindi niya pa nga ako napapatawad dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kanya noon at eto nga at dinagdagan ko pa yung galit na nararamdaman niya para sa akin.

"I-I never thought those things, L-Louis." Nauutal na sabi ko at tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Itsura naman siyang natigilan pero bumalik din kaagad yung bangis ng mukha niya.

"Don't you dare cry, Natalia dahil wala kang karapatan na masaktan! Ako ang sinaktan mo kaya 'wag mong ipakita sa akin na parang nasasaktan ka kasi I don't give a fucking damn anymore! Mamatay ka man ngayon sa harap ko dahil dyan sa sakit na nararamdaman mo eh wala na akong pakielam! Die for all I care! Damn you!" Nanggigigil na saad niya and truly, words can really cut deeper than a knife dahil parang pinagtataga ang puso ko ngayon dahil sa sobrang sakit ng mga salitang binitawan niya.

"When I was cured from that heart ailment when we were 15 years olds, akala ko hindi na babalik ulit yung sakit na iyon dahil sabi naman ng doktor ko, cleared na ako. But then when we were preparing for the weddings of Jasmine and Pauline, I suddenly felt like my heart was being torned apart slowly so I decided to see my doctor again. And guess what she told me? The fucking heart ailment is back to my system and right there and then, I felt that my whole life is crumbling in front of me. Okay na nga kasi ang lahat 'di ba? Magpapakasal na din tayo dapat eh. Magsta-start na tayong bumuo ng sarili nating pamilya eh. Then ayon nga, kinailangan na namang sirain ng peste kong sakit ang lahat ng meron ako. But then naisip ko, kung sisirain ng sakit na 'to ang buhay ko, I shouldn't drag all of you down with me. So after giving myself to you for the first and last time, I decided to run away and keep everything to myself because I can't afford to ruin your lives, too." Mahinang sabi ko, just enough for him to hear me clearly. And when I looked up to him again, nakita ko na parang gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa mga narinig niya.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon