After 11

16 3 0
                                    

After 11

"Dapat sinama na lang natin si Ate Aya kung magdidinner lang rin naman tayo." Sabi ko kay Nici nung naka-order na kami ng pagkain dito sa restaurant na pinuntahan namin pagkatapos naming umalis sa GMH.

"Close na kayo agad eh 'no?" Naka-ngiting sabi niya. Hindi ko na lang pinansin yung pagka-manly ng boses niya kasi feeling ko eh ayon naman talaga yung totoong boses niya at kahit mas matagal ko ng naririnig yung pina-arte niyang boses eh parang mas komportable ako kapag manly yung boses niya.

"Nakita ko kasi na sinabunutan ka niya tapos sinigaw-sigawan ka pa niya which is never pang nagawa ng ibang babae sa iyo dahil puro pagpapa-cute lang naman ang ginagawa nila kapag kaharap ka kaya I instantly liked her. Feeling ko magkakasundo kaming dalawa. Baka nga mas maging close pa kami kesa sa inyong dalawa eh." Sabi ko sabay tumawa pa. Napa-sibangot naman siya.

"Don't you dare take my bestfriend away from me, Natalia Jilliana." Seryosong sabi niya na naging dahilan ng pag-irap ko.

"Possessive much? Pano na lang kung mag-asawa na si Ate Aya? Ano 'yon, pipigilan mong makasal siya para hindi siya mailayo sa 'yo?" Taas-kilay na tanong ko.

"Of course not! Pano siya mailalayo sa akin kapag kinasal na siya kung sa akin din naman siya ikakasal 'di ba?" Sabi niya sabay nag-smirk pa. Napa-laglag naman ang panga ko.

"What the fucking hell? Nasa tamang katinuan ka pa ba, ha? May I just remind you na bakla ka so why in the world would you marry Ate Aya? She's a girl for Pete's sake!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi ata si Nici 'tong kasama ko ngayon eh. Kinidnapp na ata ng mga alien ang totoong Nici.

"Before kong ipaliwanag sa 'yo ang tungkol dyan, hear my story first." Sabi niya na ikina-kunot ng nuo ko pero tinanguan ko na rin naman siya para mag-umpisa na siyang mag-kwento.

"I was adopted when I was 4 months old." Paninimula niya na hindi ko naman na ikinagulat pa. "Sinabi ng mga umampon sa akin na natagpuan daw nila ako sa isang crash site. May kotse daw na nabangga ng isang truck na muntikan ng mahulog sa bangin. Tumawag daw sila ng ambulansya noon pero ang tagal dumating kaya naisipan na nila na dalhin ako sa ospital. Hindi nila naisamang dalhin sa ospital yung mga kasama ko sa kotse kasi naipit ang mga ito at kapag ginalaw nila yung kotse eh may malaking posibilidad na tuluyan na iyong mahulog sa bangin. Nung nasa ospital na daw kami eh wala ni isang dumadalaw sa akin at wala rin daw nag-report sa pulis na nawawala ako kaya napagdesisyonan nila na ampunin na lamang ako. Hindi naman daw kasi nila ako maiwanan ng mag-isa. At habang lumalaki ako, itinuring talaga nila ako na tunay na anak nila. Hindi nila ipinaramdam sa akin na hindi naman talaga ako kabilang sa pamilya nila. At noon, aaminin ko talaga na nagalit ako sa mga tunay kong mga magulang. Bakit kasi hindi nila ako hinanap 'di ba? Kung mahal talaga nila ako eh gagawin nila ang lahat para makapiling lang ako ulit. Pero nung nagsimula ng magulo ang utak ko dahil sa dami ng tanong ko na hindi naman masagot, napagdesisyunan kong hanapin sila. And after all these years, finally eh natagpuan ko na rin sila." Pagke-kwento niya tapos tipid na ngumiti.

"Why are you telling these things to me? At asan na ang totoo mong pamilya? I want to meet them as much as possible!" Excited na pahayag ko. Pero napa-kunot na naman ang nuo ko nung abutan niya ako ng isang envelope.

"What's this?" Takang tanong ko habang hawak-hawak pa rin yung envelope. Parang ayaw ko 'yong buksan pero parang gusto ko rin. Para kasing ang laman nung envelope eh isang bagay na makakapagpabago na naman ng buhay ko eh.

"Open it." Udyok niya at nung tumingin ako sa mga mata niya eh nakita ko doon ang hope and happiness kaya gamit ang nanginginig kong kamay eh binuksan ko na rin yung envelope at nilabas ang laman no'n.

"A-ano 'to?" Tanong ko sa kanya. Sobra ng tindi ang panginginig ng kamay ko at pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Wala akong ibang naintindihan doon sa nakasulat sa papel kung hindi yung word na positive.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon