After 8

33 3 0
                                    

After 8

"Anong oras makakarating dito si baby Nereus?" Salubong agad sa akin ni Mama nung maka-pasok na ako sa mansyon. Hindi ko naman napigilan ang pag-ikot ng mga mata ako.

Ako 'tong nasa harap niya pero ang anak ko pa rin ang una niyang hinanap. Alam ko naman na miss na miss niya si Reus kasi ang last time na pumunta siya sa Canada eh nung nakuha ko na ang lisensya ko sa pagiging doktor which was 4 months ago pero sana man lang kinamusta niya muna ako bago siya nagtanong tungkol sa anak ko, ano? Tutal anak niya naman ako. Tss.

"Hi to you, too, Ma. And the flight was quite bumpy because of the turbulence but I am here now and I am fine. Thanks for asking, though." Sarcastic na sabi ko. Napahagikgik naman siya kaya napasibangot ako.

"Asus! Nagtampo naman agad ang prinsesa ko! I missed you, too, anak!" Ngiting-ngiting sabi niya sabay niyakap pa ako ng sobrang higpit. Napa-ngiti na lang rin tuloy ako tapos ginantihan yung yakap niya.

"Ate, where's Nereus? I bought lots of toys for him." Biglang sulpot ni Nero sa likod ni Mama. Kasama niya si Papa na ngiting-ngiti habang naka-tingin sa akin tapos biglang nag-salita.

"Hi, anak. I'm glad that you decided to come home again." Sabi niya. Naramdaman ko naman na binitawan ako ni Mama kaya dali-dali akong pumunta sa kanya para yakapin siya.

"No matter what happen, I'll always come back home, Papa." Sabi ko at napa-ngiti na lang ako nung naramdaman ko ang pag-haplos niya sa buhok ko.

"Cut the drama, Ate! Where's my nephew?!" Inis na tanong ni Nero. Napa-irap naman ako.

"Wala. Hindi ko ipapakilala sa 'yo ang anak ko! Baka mahawa pa sa kademonyohan mo!" Sabi ko.

Never niya pang nakita si Nereus kasi kahit nung nasa Canada kami eh hindi siya dumadalaw. Lagi kasing busy 'tong loko na 'to lalo na at siya na ang namamahala ng companya namin dahil nag-retire na si Papa. At base sa mga balitang natanggap ko eh napa-ruthless daw ng unggoy na ito at ilang empleyado na ang na-fire niya mula noong siya na ang tumayong CEO.

"Maka-demonyo ka naman dyan eh mas masama pa ang ugali mo kesa sa akin!" Nanggigigil na asik niya sa akin pero imbis na matakot eh tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Yes, I am the queen bitch but I am not a ruthless demon that walks around the company firing innocent individuals!" Stern na sabi ko and this time eh siya naman ang umirap.

"I fired those people because they're not hardworking, responsible and competent enough!" Inis na inis na sabi niya at parang konting-konti na lang talaga eh sasapakin niya na ako.

And well, what's new? Kahit noon pa man talaga eh napaka-iksi na ng pasensya niya at iyon rin siguro talaga ang dahilan kung bakit ang dami niya ng pinatalsik sa companya. Siguro isang pagkakamali pa lang ng mga empleyado niya eh tinatanggal niya na agad. Pero kahit na ganyan siya, maayos naman talaga ng pagpapatakbo niya sa kompanya at mas lalo pa itong namamayagpag sa business world.

"Oh, whatever. Basta sa susunod na magpa-fire ka ng tao mo, isipin mo na may pamilya rin iyong pinapakain! Huwag kang magpadalos-dalos! Mamaya niyan eh may i-fire ka na empleyado tapos 'yong empleyado mo na iyon eh may kakilala na killer at ipatumba ka na lang bigla!" Sabi ko sa kanya. Narinig ko naman na tumawa sila Mama at Papa.

"Sabi ko na nga ba at concerned ka rin sa akin, Ate eh! Well, I missed you, too pero mas tahimik pa rin talaga ang buhay ko kung nag-stay ka na lang sa Canada at si Nereus na lang ang pina-uwi mo dito." Naka-ngising sabi niya. Na-bwisit naman ako bigla kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa at sinabunutan ko na siya.

"Damn you, Nero! Hindi talaga kita ipapakilala sa baby ko! Fuck shit ka!" Inis na sabi ko habang sinasabunutan siya. Hindi naman siya magkandaugaga sa pagpilit na matanggal yung pagkakahila ko sa buhok niya na parang hindi na gagalaw kahit na maihipan pa ng hangin dahil sa sobrang daming wax na nilagay niya doon.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon