After 19

28 3 0
                                    

After 19

"Anong nangyari? San kayo nanggaling ni Baby Reus? Bigla na lang kayong nawala kanina." Salubong sa akin ni Jasmine nung nakita niya kaming papalapit ni Nereus sa kanila.

"Nakita kami ni Loisse. Nandito din siya sa resort na 'to kasama ang mga kaibigan niya." Sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at natuon na talaga sa amin ni Nereus ang pansin nila Crishia, Pauline at Ailene.

"N-nakita niya kayo? A-anong sabi? Nakita niya ba ang resemblance ni Louis at Nereus?" Tanong ni Ailene. Kitang-kita ko sa mga mata niya yung panic kaya medyo napa-ngiti ako. Kahit gumagawa sila ng paraan para magkita kami ng magkita ni Louis at para mapakilala na sa kanya si Nereus, hindi niya pa rin talaga gusto na mabigla ako katulad ng nangyari kanina.

"Ni hindi niya man lang ako tinanong kung anak ng kuya niya ang anak ko, alam niya na agad at siguradong-sigurado na siya." Sabi ko tapos na-upo sa tabi niya at kinandong si Nereus.

"So, anong nangyari? Anong reaksyon niya? Nagalit ba kasi tinago mo sa kanila si Nereus? Pano na 'yan? Sasabihin niya ba sa kuya niya yung nalaman niya?" Sunod-sunod na tanong ni Pauline. Rinig na rinig ko na rin yung panic sa boses niya.

Sa totoo lang, natakot talaga ako kanina nung nakita kami ni Loisse at mas lalong nadagdagan yung takot ko nung nakita kong siguradong-sigurado siya na anak ni Louis si Nereus. Pero nung nakita ko yung mga mata ng anak ko, nawala na yung takot ko at ginusto ko na rin siyang makilala agad ni Louis.

I even asked Loisse to call his brother pero nung sumagot naman si Louis sabi niya marami siyang ginagawa at kailangan niya pang habulin yung flight niya papuntang U.S. dahil nagkaproblema sa kompanya nila doon.

So I guess, hindi pa rin talaga ito ang right time para makilala ni Nereus ang tatay niya so I just let it be. Tutal marami pa namang ibang chance at nangako pa si Loisse na baback-up-an niya kami sa kuya niya.

"Nope, hindi siya nagalit. In fact tuwang-tuwa pa siya kay Nereus at parang gusto niya nang iuwi 'tong anak ko kanina. At hindi niya daw sasabihin sa kuya niya ang tungkol kay Nereus." Sabi ko habang hinahaplos-haplos ang buhok ni Nereus.

"Hay buti naman! Akala ko any moment from now eh susugurin na tayo ni Louis eh." Sabi ni Crishia sabay napabuga pa ng hangin. Napa-tawa naman ako dahil itsura silang mga nabunutan ng tinik kahit naman hindi sila yung ex-fiancee ni Louis na tinatago ang anak nito.

"Busy si Louis so hindi niya ako masusugod ngayon. Maybe some other time kapag maayos na yung problema sa company nila sa U.S. But anyways, ano pa lang nangyari sa inyo nung umalis kami? Sumabog ba na parang bulkan ang mga asawa niyo? Naghasik ba ng lagim at pinagtatagpas ang ulo ng mga lalaking nakatitig sa inyo? Kailangan ko na bang tawagan yung kilala kong magaling na criminal lawyer?" Sunod-sunod kong tanong at sabay-sabay naman silang napasibangot, as if naalala nila yung mga pinaggagawa ng mga asawa nila at base sa mga ekspresyon nila eh malamang sa malamang ay nag-amok nga yung mga asawa nila.

"Naghamon ng suntukan si Toby doon sa lalaking nahuli niyang nakatingin sa akin tapos nung nanghingi na lang ng tawad yung lalaki eh hindi pa rin nakitiis yung siraulo kong asawa at sinapak pa rin ng isang beses sa mukha at ayon dumugo yung ilong nung lalaki. Buti nga at nadaan sa aregluhan dahil kung hindi eh malamang nasa kulungan na yung siraulong 'yon at baka sinapak ko rin siya ng diretso sa ilong dahil sa kalokohang ginawa niya." Pagkekwento ni Ailene habang naka-sibangot pa pero nagulat na lang ako nung bigla siyang ngumiti ng pagkalawak-lawak.

"Pero alam mo, Kambal, kahit na nabwisit ako doon sa ginawa niya, sa totoo lang eh kinilig rin ako ng bonggang-bongga. Lalo ko kasing napatunayan na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal pa rin ako ng asawa ko hanggang ngayon kahit na ilang taon na kaming magkasama." Kinikilig na dagdag niya pa kaya napangisi na lang ako at napa-iling-iling.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon