After 12

20 3 0
                                    

After 12

"Anong iniisip mo at ngumingiti kang mag-isa dyan? Nababaliw na ba ang little sister ko? Ipaalam mo agad sa akin para madala na kita sa mental hospital." Bigla sulpot ni Kuya Niccolo sa tabi ko.

Nandito ako ngayon sa kitchen counter at naka-upo sa isang stool habang umiinom ng hot cocoa. Hanggang ngayon kasi eh hindi pa rin talaga ako umiinom ng hot coffee at kumakain ng heavy breakfast. Bumabaliktad talaga ang sikmura ko at sumasakit ang ulo ko.

"Grabe ka sa akin porket mas matanda ka ah?! Hindi ako nababaliw 'no. I was just thinking about the love story of Mama and Papa." Sabi ko then dreamily sighed.

"What about their love story?" Takang tanong niya habang nilalagyan ng nutella yung isang loaf ng bread. Hindj siya tumigil hangga't hindi sobrang kapal yung layer nung nutella sa tinapay niya. Siguro sa kanya namana ni Nero yung hilig din no'n sa paggamit ng nutella bilang palaman sa tinapay. Ako kasi mas gusto kong papakin 'yon kesa ilagay na palaman eh.

"Their love story is just so romantic. Kung gagawan lang iyon ng pelikula, magpiprisinta talaga akong gampanan ang role ni Mama. Gusto kong magkaruon ng love story na tulad ng sa kanila. Yung tipo bang nagkahiwalay na pero gumagawa pa rin ng paraan ang destiny para pagtagpuin ulit at maka-inlove-an for the second time." Sabi ko.

Hindi ko alam na gano'n pala ang love story nila Mama kasi hindi naman siya nagkukwento ng tungkol doon noon at hindi rin naman ako naguusisa. Akala ko nga noon eh typical lang ang kwento ng pagiibigan nila kaya hindi ko na inungkat pa pero mali pala ako kasi napaka-unique ng kwento nila. Walang katulad kaya wala talagang mapapagkumparahan.

"You don't need to rely on destiny to have a one of a kind love story that will make other couples so envious. Ikaw mismo ang kailangang gumawa ng paraan dahil kung maghihintay kang pag-ayusin kayo ng destiny na iyan, eh aba, baka hindi niyo na masundan pa si Nereus! So make your move, baby girl. Hindi naman kailangan na sa lahat ng oras at pagkakataon eh kaming mga lalaki ang kumilos at gumawa ng paraan lalo na kung kayong mga babae naman talaga ang may kasalanan." Sabi niya. Napa-sibangot naman ako ng 'di oras.

"Oo na! Alam na alam ko ng ako ang may kasalanan! Huwag mo naman ng isampal pa lalo sa pagmumukha ko! Nape-pressure na akong mag-isip kung ano ba ang pwede kong gawin para mapatawad niya ako eh." Sabi ko sabay inis na inis na ginulo lalo ang buhok ko na hindi ko man lang pinadaanan ng suklay simula kahapon. Nasa bahay lang naman ako kaya hindi ko kailangang mag-ayos.

"Eto ang tandaan mo, baby girl, may mga taong madaling magpatawad pero hindi nakakalimot pero may mga tao rin namang hindi agad-agad nakakapagpatawad at hindi rin nakakalimot. Kung ano man sa dalawang category na iyon si Louis, kailangan mong magtiis at magpasensya. At kung nararamdaman mo ng gusto mo ng sumuko sa pagsuyo sa kanya, tandaan mo na ikaw ang may kasalanan at kailangan mong magpakatatag, hindi lamang para sa sarili mo kundi para na rin kay baby Nereus. Deserve ng pamangkin ko na magkaruon ng buong pamilya kaya gawin mo ang lahat para mapatawad ka niya. At tandaan mo rin na lagi lang kaming nasa tabi mo, hindi ka namin iiwan kahit na ano pa ang mangyari." Sabi niya sabay nginitian pa ako kaya napa-ngiti na rin ako.

"Thank you, Kuya." Sabi ko tapos niyakap siya.

Susuyuin ko naman talaga si Louis, hindi ko pa lang alam kung paano pero gagawin ko talaga. And knowing that my family is just beside me and supporting me, mas lalong tumindi yung kagustuhan ko na makipag-ayos kay Louis.

"Kuya Nicco, mag-bar hopping tayo mamaya." Biglang sulpot ni Nero na nakapambahay rin katulad namin ni Kuya Niccolo. Sabado naman kasi ngayon at wala kaming pasok at kahit na anong commitments.

"At kelan ka pa natutong mag-bar, ha?" Taas-kilay na tanong ko.

"Kung maka-sita ka naman dyan, Ate! Hindi na ako minor 'no. Ilang beses na nga rin ako nakapag-uwi ng babae mula sa bar eh." Sabi niya tapos inirapan pa ako. Napa-nganga naman ako ng 'di oras.

Ever After (Let Love Rule 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon